ABA! Boy Abunda, may bagong segment sa ‘CIA with BA’
Inilunsad ng public service at talk program na ‘CIA with BA’ ang bagong segment nitong tinatawag na ‘Ask Boy Abunda’ o ‘ABA.’
Sa episode nitong Linggo, Enero 12, ibinahagi ni Boy Abunda na ang konsepto ng segment ay nagsimula noong pandemya.
“Naisip ko po na makatulong kahit konti. Dahil hindi napatigil ng pandemya ang entertainment business, napunta lamang po sa digital. Umuso po ang maraming mga palabas, maraming mga talent ang na-discover during the pandemic,” paliwanag ng award-winning host.
Ayon kay Tito Boy, ang layunin ng ‘ABA’ ay, “to be able to answer questions from people interested in the business of show.”
Isa sa mga katanungang tinalakay sa debut episode ng segment ay mula sa actress at event host na si Chase Romero. “Gaano po ba talaga kahalaga ang management sa isang artist and kailangan po ba talaga merong manager?”
Sagot ni Tito Boy, “Mahalaga po ang pagkakaroon ng manager dahil lalo na pag ika’y mag-isa na talent at walang meron sa pamilya na nagkaroon ng hilig maging artista.”
Dagdag pa niya, “Ang pagiging talent has something to do with pagiging talented—marunong ka bang kumanta? Marunong ka bang umarte? Marunong ka bang mag-host? At marami pang iba. Pero hindi po humihinto [pagma-manage]. Kailangang ibenta, at i-enhance at i-develop ‘yung talent na ‘yon. Kailangan nasa tamang brand image ‘yung talent ‘yon. Kailangan mo ng network.”
Giit niya, “Kailangan mo ng manager dahil your manager provides all of the above.”
Bukod dito, tinalakay din ni Boy ang ilang tanong tungkol sa hosting, longevity, at kung paano mapagtagumpayan ang burnout sa entertainment industry.
Ang ‘CIA with BA’ ay nagpapatuloy sa pamana ng yumaong Senator Rene Cayetano at napapanood tuwing Linggo, 11:00 p.m. sa GMA7, may mga replay sa GTV tuwing Sabado, 10:30 p.m.
No comments:
Post a Comment