MGA ANAK INIREKLAMO ANG INA DAHIL SA BINITIWANG MASASAKIT NA SALITA

Mga anak, inireklamo ang ina dahil sa binitiwang masasakit na salita

“Malalim ang paniniwala ko na ‘pag tayo ay madaling magbitaw ng masasakit na salita, kabaliktaran ang effect no’n. Napakatagal magkaayusan. So let’s be careful.”

Ito ang paalala ni Senator Pia Cayetano nang siya, kasama ang kanyang mga co-host na sina Alan Peter Cayetano at Boy Abunda, ay humarap sa isang kaso tungkol sa pamilya sa episode ng ‘CIA with BA’ noong Linggo, Setyembre 8.

Sa segment na ‘Case 2 Face’, dumulog si Zeavs kasama ang ate niyang si Mygirl upang ireklamo ang kanilang ina na si Grace. Ayon kay Zeavs, sinaktan daw siya ng ina nung araw na may hearing sa korte ang kapatid niya laban sa mga anak ni Rolando, ang kinakasama ng kanilang ina.

Ayon pa kay Zeavs, sinabi daw ng ina na kung ipapakulong ng kapatid niya ang mga anak ng kinakasama, titigil siya sa pag-aaral ni Zeavs.

Ikinabahala ni Zeavs dahil gusto niyang mag-aral ng industrial engineering sa isang state university kung saan siya ay nakapasa na. Ayon kay Zeavs, sinabi ni Grace na imbes na gamitin ang pera para sa kanyang pag-aaral, gagamitin ito para sa piyansa kung sakaling makulong ang mga anak ni Rolando.

Sa kanilang depensa, sinabi nina Grace at Rolando na puro luho lang ang inaatupag ni Zeavs. At kahit construction worker lang si Rolando, nabigyan pa rin siya ng laptop.

Lalong tumindi ang galit ng mga anak dahil sa masasakit na salitang binitiwan ng kanilang ina.

Sa gitna ng diskusyon, ipinaalala nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano na kung magkakaisa ang pamilya, mas malayo ang mararating nila. Si Rolando, bagaman hindi niya tunay na mga anak ang dalawang babae, ay inako niya ang responsibilidad, si Grace ay mapagmahal na ina, at sina Zeavs at Mygirl naman ay matatayog ang pangarap.

Nang una silang dumulog sila sa programa, ninais nina Zeavs at Mygirl na makulong ang kanilang ina, pero kalaunan ay humingi rin sila ng tawad. Lumapit din ang ina at humingi ng tawad, at mahigpit silang nagyakapan.

Nangako rin ang programa na magbibigay ng financial assistance para kay Zeavs upang makapagpatuloy ng pag-aaral at ganon din kay Mygirl na gustong mag-training bilang beautician.

Ang ‘CIA with BA’ ay nagpapatuloy sa legasiya ng yumaong Senator Rene Cayetano at mapapanood tuwing Linggo ng 11:00 p.m. sa GMA7, na may replays sa GTV sa sumunod na Sabado ng 10:30 p.m.

No comments:

Post a Comment