REPAKOL HANDANG-HANDA NA SA KANILANG NORTH AMERICAN TOUR 2024 NGAYONG APRIL, MAY AT JUNE PRESENTED BY EDREN ENTERTAINMENT LLC

March 15, 2024 / Quezon City : Nanatili pala sa bandang Siakol sina Noel Palomo at Miniong Cervantes kasama ang apat pang bagong kasamahan nilang pumalit sa dating kasama nila sa banda na nagmula naman sa grupong Pare o Repa kaya nabuo ang bandang RepaKol ngayon.

Sa media conference ng kanilang latest raket abroad partikular sa Amerika ngauong April, May at June ay naging maboka sina Miniong at Noel na wala na silang balita sa mga dati nilang kasamahang nanglaglag sa kanila.

Hindi na raw mahalaga ang past kundi mas mahalaga daw ngayon ang kanilang muling pag-ariba sa music scene sa bago nilang pangalan na RepaKol! 

Kinanta ng grupo ang kanilang mga hitsongs during the presscon at sa mga ' panahon ko yan ' pipol, naku, nag-enjoy ang lahat ng press lalo na ang kantang ' lakas tama ' ng grupo! 

Anila, ang musika at banda ay pana-panahon lang. Pero sila kasi bilang banda noong 90's ay iba parin ang tugtugan at recall lalo na't yung rurok ng tagumpay sa kanilang karera bilang banda ay narating nila.

Hindi puwedeng walain ang mga kanta nilang sumikat at ang banda nilang minahal din naman ng buong bayan at sinuportahan huh!

Lahat ng ginawa nilang recording, as in nagmarka sa mundo ng musika at hinfi natin maitatangging SIAKOL IS SIAKOL!

Sa kanilang muling pag-ariba sa music scene, excited na ang buong grupo ng RepaKol para sa kanilang North American Tour 2024. 

Para sa detalye ay puwede po ninyong bisitahin ang https://edrenentertainment.com para sa tickets and bookings. 


 

No comments:

Post a Comment