PINAY IN ACTION : PIA CAYETANO NATUTUWA PA RIN SA MGA BIRTHDAY SURPRISE

Pinay In Action:’ Pia Cayetano, natutuwa pa rin sa mga birthday surprise

Sinorpresa si Senador Pia Cayetano ng kanyang mga co-host — ang kapatid niyang si Alan Peter at si Boy Abunda — sa pinakahuling episode ng ‘CIA with BA’ nang kanilang ipagdiwang ang kanyang ika-58 na kaarawan.

Ikinubli ng programa sa segment na ‘Salamat’ ang sorpresa nang magpakita sila ng video tribute para kay Pia, mga video greeting mula sa mga taong malapit sa kanya, at sorpresang pagdating ng kanyang anak na si Lucas, kababata at mga staff.

“I wish for her to have a good life and she doesn’t get stressed at work,” sabi ni Lucas.

Para kay Chris Cordero, na kaibigan ni Pia sa loob ng halos 50 taon, sinabi niyang: “It’s such a blessing to have a friend like you.”

“Ang wish ko sa ‘yo, to continue to hunger for the word of God, hunger to change/transform the country, hunger to help young people sa kanilang pamilya, sa sports, sa health nila. Kasi nakita ko ‘pag nandyan ‘yung hunger sa ‘yo, nagagawa talaga,” sabi niya sa kapatid na babae. “We’re proud of you. And sana, makita mo that people do love you and do appreciate all that you’re doing.”

Ibinahagi naman ni Tito Boy kung gaano niya kamahal si Ate Pia, na ngayo’y kaibigan at kasama sa trabaho.

“Dati humahanga lamang ako kay Ate Pia, pero ngayon mahal na mahal ko na,” saad niya.

“I am happy to be where I am, I’m happy to be who I am. But if I were a woman, I would love to be you — the commitment, the generosity… lahat-lahat na, ‘yung kabuuan,” sabi ni Boy.

Para naman kay Ate Pia, sinabi niyang tila nalulugod pa rin siya sa mga sorpresang ganito, lalo na’t sa tinahak niyang karera ay kadalasang siya ang nagbibigay ng serbisyo.

“If you know, sometimes, in my position, nasasanay ka din naman na you don’t really expect anything in return because ‘yung public service is something na, in a way, it’s a calling. And once na tinanggap mo ‘yon—which is tinanggap ko , 20 years na, ang hirap na nag-eexpect ka pa ng something kasi you’ll be disappointed. Like friends will disappoint, colleagues will disappoint. This is a lot of things, ikaw kasi ‘yung nagbibigay ng public service, so once in a while, ‘pag ikaw naman ay na-surprise nang ganito, syempre nakakatuwa,” aniya.

“In my day-to-day life, ako naman I just really strive for balance even though pinili ko ‘yung public service, I know from my training and upbringing na ‘yung daddy ko kasi very balanced ‘yun e, I can perform better if balanced din ako,” pagpapatuloy ni Ate Pia.

“So to end, I always give thanks to God and for those who want to say a prayer for me, ang hihilingin ko lang is that, let’s pray for leaders that are truly dedicated to the welfare of the Filipino people ‘coz this is the only country we have,” sabi niya.

Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.

Huwag palampasin ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:00 sa GMA7.

No comments:

Post a Comment