‘Christmas In Action’: ‘CIA with BA,’ nagdiwang ng Pasko sa isang espesyal na episode
“Kaya tayo ‘in action,’ kasi ‘action speaks louder than words.”
Ganito inilarawan ni Senador Alan Peter Cayetano public service program sa opening ng special episode ng ‘CIA with BA’s nitong bisperas ng Pasko, Disyembre 24.
Tinawag na ‘Christmas in Action,’ itinampok sa episode ang ilan sa mga dating naging guest subject sa ‘Case 2 Face’ segment na mga nagkaayos na.
“[This is the] joy of Christmas. Nung unang punta nila dito, talagang parang magpapatayan.. [tapos] talagang I’m so offended when I see yung lack of respect sa parents…” sabi ni Sen. Pia Cayateno.
Para naman sa award-winning host na si Boy Abunda: “Ang sarap ng pakiramdam at ang sarap isipin na kahit sa munting paraan ng ating programa ay naging daan para maging magkaibigan ang mga hindi nag-uusap. Kahit man lamang po doon ay fulfilled tayo.”
Naging instant concert treat din sa Mariteam at mga manonood ang episode dahil sa performances na hatid ng 4th Impact, young violinist Shammah Alegado, Bugoy Drilon at Kapuso star na si Rita Daniela.
“What a better way to celebrate Christmas with people we work with and people who we have come to know as family,” pagbabahagi ni Pia.
Sa pagtatapos ng programa, ipinaalala ni Kuya Alan na “even without written law, may tinatawag na natural law. Sinasabi parati, ‘dun tayo sa tama,’ ‘di ba? Even without ‘yung batas na pinapasa ng mga legislator, alam naman natin kung ano ‘yung tama at mali.”
“And while we wish you a Merry Merry Christmas, tama na mahalin ang Diyos, tama na mahalin ang kapwa,” aniya.
Nominado bilang Best Talk Show sa 45th Catholic Mass Media Awards, ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.
Huwag palampasin ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:00 sa GMA7.
No comments:
Post a Comment