PIA CAYETANO MAY ADVICE SA MGA KABATAANG NAI-INLOVE

Pia Cayetano, may advice sa mga kabataang nai-in love

On-point talaga ang takeaway ni Senador Pia Cayetano mula sa mga kaso na hinarap niya kasama ang kapatid na si Alan Peter at si Boy Abunda sa episode ng ‘CIA with BA’ nitong Linggo, Oktubre 29.

Sa ‘Case 2 Face’ segment, dumulog si “Dayday” upang ireklamo ang ex-partner ng kanyang anak at ina ng mga apo na si “Bunene”.

Ayon kay Dayday, pinagbantaan siya ni Bunene na kukunin nito ang kanyang apo na kasalukuyang nasa kanyang poder, para dalhin ang mga ito sa ibang bansa. Para kay Dayday, si Bunene ay isang napaka-iresponsableng magulang.

Pero sa gitna ng diskusyon, napag-alamang si Bunene ay kinse anyos pa lang nang mabuntis ito ng anak ni Dayday.

Kinumbinsi nina Alan, Pia, at Boy ang dalawa na sa halip na ipaglaban ang karapatan nila sa pag-aalaga ng mga bata, mas makabubuti kung magkakapatawaran sila, magkaroon ng mabuting relasyon na parang tunay na mag-ina at magtulungan para sa ikabubuti ng mga bata. Sa pagtatapos ng segment, nagkasundo naman sina Dayday at Bunene.

Dahil sa karanasan ni Bunene, naisip ni Pia na bigyan ng advice ang mga kabataan.

“You have to be your own peer counselors, you have to be your own support group sa friends niyo,” aniya.

“Masarap [at] nakakakilig ma-in love pero you have to talk about the consequences. Talk about it because kayo din naman ang magco-convince sa mga kasama niyo na, you know, ‘wag magmadali,” dagdag pa ni Pia. “Kasi ‘pag ikaw ay naging single mom, napakahirap talaga!”

Nangako ang public service program na tutulungan si Bunene na makakuha ng scholarship upang matupad ang kanyang pangarap na maging teacher. Nangako rin ang mga host na tutulong sa pangangailangan ng mga anak ni Bunene tulad ng diapers at gatas.

Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘CompaƱero y CompaƱera’ noong 1997 hanggang 2001.

‘Wag palagpasin ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA7.

No comments:

Post a Comment