‘CIA with BA,’ tiniyak ang patuloy pagbibigay ng serbisyo-publiko sa bagong season
Sa bago nitong season, nangako ang ‘CIA with BA’ – na pinangungunahan ng magkapatid na senador Alan Peter and Pia Cayetano at award-winning host na si Boy Abunda – na patuoy nitong pagsisilbihan ang publiko.
Nitong Linggo, Nobyembre 19, nagbalik-tanaw ang programa sa mga episode nito sa nagdaang tatlong season, na nagpapakitang mahigit 100 kaso na ang naidulog at nabigyang-solusyon. Karamihan dito ay dulot ng ‘di pagkakaunawaan, pagharang sa pangarap, at kawalan ng mga pinaghirapan at pinagtrabahuhan.
Iba’t-ibang indibidwal, mag-asawa, magkakarelasyon, pamilya, magkakaibigan, at magkakapitbahay na rin ang nabigyan ng legal na payo ng programa sa pamamagitan nina Kuya Aan at Ate Pia.
“Pero higit sa mga payong legal na ibinahagi nina Kuya Alan at Ate Pia, nawa’y natuto rin tayong magpakumbaba, magpasalamat, magpatawad at pahalagahan ang ugnayan natin sa ating pamilya, kaibigan at maging sa ating mga kapitbahay,” saad ng programa.
“Sa patuloy nating pag-aksyon, makakaasa kayong patuloy rin ang pagtulong at pagbibigay ng kaalaman nina Kuya Alan, Ate Pia, at Tito Boy,” dagdag pa nito.
Sa bago nitong season, ginagarantiya ng ‘CIA with BA’ sa viewers ang mga bagong kasong sosolusyonan, mga mahahalagang payo para sa naghahanap ng kalinawan, mga bagong kaalamang legal, at mga bagong pasasalamatan. Patuloy din ang pagbibigay saya sa ating mga kababayan.
Nasa ika-apat na season na ang ‘CIA with BA’ mula noong umere ito noong Pebrero 5, 2023.
Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.
Huwag palampasin ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA7.
No comments:
Post a Comment