MARY CHERRY CHUA NOW SHOWING NATIONWIDE

Mary Cherry Chua Movie

Cast: Ashley Diaz, Kokoy de Santos, Lyca Gairanod, Joko Diaz, Alma Moreno, Abby Bautista, Krissha Viaje

Writer and Director: Roni S. Benaid

 Isang sikat na Filipino urban legend ang isasapelikula na siguradong aabangan at tututukan ng manonood. Alamin ang katotohanan sa likod ng misteryo ng pagkamatay ni Mary Cherry Chua.

 Naging usap-usapan ang pangalang Mary Cherry Chua noong early 2000s. Ang sabi sa urban legend, si Mary ay isang maganda at matalinong estudyante na diumano ay ni-rape at pinatay ng school janitor. Sabi rin sa mga kuwento ay nananatili pa rin ang kaluluwa ni Mary sa school campus.

 Tunghayan natin ang bagong kuwento hango sa urban legend na si Mary Cherry Chua sa bagong pelikula ng 2018 CineFilipino finalist na si Roni S. Benaid. Ibinahagi ng direktor kung bakit niya napiling isapelikula ang sikat na horror story na ito, “I remember nung high school ako, sikat siya sa amin. Gusto kong ibalik siya at ipakilala sa younger generations, sa mga Gen-Z.”

 Si Mary Cherry Chua (Abby Bautista) ay estudyante mula sa isang prestihiyosong eskwelahan noong 60s. Isang masayahing teenager na may mahabang buhok, totoong na kay Mary Cherry Chua na ang lahat – siya ay maganda, mayaman at matalino. Hinahangaan at kinaiinggitan ng lahat, kilala siya bilang Miss Popular sa eskwelahan. Pero ang inaakala ng marami na perpektong buhay niya ay biglang mag-iiba nang matagpuang walang buhay ang dalaga sa campus grounds matapos maging biktima diumano ng rape at pagpatay.

 Sa kasalukuyan, si Karen (Ashley Diaz), isang high school student na mahilig magbasa ng mga horror stories at urban legends, ay maiintriga sa buhay ni Mary Cherry Chua. Bubuksan niya ulit ang kaso nito at mag-iimbestiga sa sariling niyang diskarte para maghanap ng mas matibay na ebidensiya sa krimen. At sa tulong ng mga kaibigan at kaklase ay may bagong impormasyong makukuha si Karen. Pero sa paghahanap niya pala ng katototohanan ay para na ring pagsindi ng mitsa ng buhay niya dahil sa matutuklasan niyang maaari rin niyang ikapahamak.

 Ang Mary Cherry Chua ay ang kauna-unahang lead role sa pelikula ni Ashley Diaz. Sa isang interview kay Ashley, ibinahagi ng batang aktres kung paano niya kinaya ang pressure ng pagiging lead role sa pelikula,“There will always be pressure naman sa bawat project pero iba po talaga kasi kapag first lead mo tapos solo ka pa, pero nasa sayo naman yon kung i-take mo yung pressure positively or negatively. Eh ngayon naman I'm taking it positively.”

 Nagkuwento rin si Ashley tungkol sa mga challenges na kailangan niyang harapin para sa kanyang role, “Pinaka-challenging na ginawa ko for this role ay yung nagpagupit ako, kasi halos years bago ko napahaba yung buhok ko, pero for the role I cut it short. Worth it naman.”

 Todo-suporta naman ang kanyang amang award-winning actor na si Joko Diaz na gaganap bilang si Mr. Manzano, ang term paper adviser ni Karen. “Kay Ashley, I’m a proud papa, pero siyempre kailangan gina-guide mo pa rin siya.” sabi ng aktor tungkol sa kanyang anak.

 Pinagbibidahan din ito ng mga young and promising stars gaya nina Kokoy De Santos na gaganap bilang Paco (duwag na research partner ni Karen), Lyca Gairanod bilang Faith (ang supportive best friend ni Karen), Krissha Viaje bilang Lena (protective na ate ni Karen) at Abby Bautista bilang si Mary Cherry Chua. Gaganap para sa isang importanteng role si Ms. Alma Moreno. Siya si Ms. Estrella, dating guro na magbibigay ng linaw sa nangyari kay Mary Cherry Chua. Binahagi ni Direk Roni ang pasasalamat niya sa cast at sa professionalism ng mga ito, “Lahat sila cooperative, tinutulungan nila ako maituro ko sa kanila or masabi ko sa kanila yung intention ng character.” Paparating na siya. Handa ka na ba? Alamin ang kuwento ni Mary Cherry Chua, in cinemas nationwide ngayong July 19, 2023.

No comments:

Post a Comment