AI AI DELAS ALAS PAKAHUSAY SA PELIKULANG LITRATO

Matagumpay ang naging karera ni Ai Ai Delas Alas sa loob ng showbizlandia simulang pasukin niya ito. Nag-umpisa bilang comedy bar host, hanggang sa maisalang siya sa pelikula at pagpapatawa ang naging porte niya.

Nabigyang ng magagandang break hanggang sa pasukin narin nito ang mundo ng telebisyon at musika.

Aliw naman kasi si Ai Ai Delas Alas. Kaya naman hindi ipinagkait sa kanya ang salitang big break sa showbiz kasama ang naglalakihang aktor natin sa industriya. Nagkaroon ng mga blockbuster films partikukar ang pelikulang Ang Tanging Ina kung saan tuluyang napatunayan ni Ai Ai Delas Alas na hindi lang siya sa pagpapatawa magaling kundi kayang-kaya niya ring umarte sa seryosohang role mapa-pelikula man o telebisyon.

Hindi rin ipinagkait ng showbiz ang entablado ng konsiyerto kung saan binansagan naman siyang The Comedy Concert Queen.

Isa lang nung una ang medyo tagilid kay Ai Ai. Ito ay ang kanyang pribadong buhay partikular sa kanyang lovelife kung saan ilang beses din siyang umibig at nabigo pero sa huli ay nakatagpo rin siya ng totoong nagmahal sa kanya na katuwang niya na ngayon sa kanyang buhay at pangarap pa.

Sa pelikulang Litrato ng 316 Media Network na kanyang pinagbibidahan ay kakaibang Ai Ai naman ang ating mapapanood. 

Kakaiba ito dahil pakahusay niyang nagampanan ang kanyang role bilang isang matanda at bilang isang Ina sa pelikula.

Kahit si Ai Ai ay hindi niya rin daw lubos maisip na naitawid niya ang bagong role niya kung saan siya binihisang matanda, pinagmukhang matanda at boses matanda.

Beautiful ang script ng pelikulang ito ni Ai Ai sa direksiyon ni Louie Ignacio. 

Paiiyakin kayo ni Ai Ai sa pelikulang ito na ipapalabas na ngayong July 26 in cinemas nationwide!

Pakahusay niya sa pelikulang ito na feeling ko ay hahakot siya ng parangal! 

MARY CHERRY CHUA NOW SHOWING NATIONWIDE

Mary Cherry Chua Movie

Cast: Ashley Diaz, Kokoy de Santos, Lyca Gairanod, Joko Diaz, Alma Moreno, Abby Bautista, Krissha Viaje

Writer and Director: Roni S. Benaid

 Isang sikat na Filipino urban legend ang isasapelikula na siguradong aabangan at tututukan ng manonood. Alamin ang katotohanan sa likod ng misteryo ng pagkamatay ni Mary Cherry Chua.

 Naging usap-usapan ang pangalang Mary Cherry Chua noong early 2000s. Ang sabi sa urban legend, si Mary ay isang maganda at matalinong estudyante na diumano ay ni-rape at pinatay ng school janitor. Sabi rin sa mga kuwento ay nananatili pa rin ang kaluluwa ni Mary sa school campus.

 Tunghayan natin ang bagong kuwento hango sa urban legend na si Mary Cherry Chua sa bagong pelikula ng 2018 CineFilipino finalist na si Roni S. Benaid. Ibinahagi ng direktor kung bakit niya napiling isapelikula ang sikat na horror story na ito, “I remember nung high school ako, sikat siya sa amin. Gusto kong ibalik siya at ipakilala sa younger generations, sa mga Gen-Z.”

 Si Mary Cherry Chua (Abby Bautista) ay estudyante mula sa isang prestihiyosong eskwelahan noong 60s. Isang masayahing teenager na may mahabang buhok, totoong na kay Mary Cherry Chua na ang lahat – siya ay maganda, mayaman at matalino. Hinahangaan at kinaiinggitan ng lahat, kilala siya bilang Miss Popular sa eskwelahan. Pero ang inaakala ng marami na perpektong buhay niya ay biglang mag-iiba nang matagpuang walang buhay ang dalaga sa campus grounds matapos maging biktima diumano ng rape at pagpatay.

 Sa kasalukuyan, si Karen (Ashley Diaz), isang high school student na mahilig magbasa ng mga horror stories at urban legends, ay maiintriga sa buhay ni Mary Cherry Chua. Bubuksan niya ulit ang kaso nito at mag-iimbestiga sa sariling niyang diskarte para maghanap ng mas matibay na ebidensiya sa krimen. At sa tulong ng mga kaibigan at kaklase ay may bagong impormasyong makukuha si Karen. Pero sa paghahanap niya pala ng katototohanan ay para na ring pagsindi ng mitsa ng buhay niya dahil sa matutuklasan niyang maaari rin niyang ikapahamak.

 Ang Mary Cherry Chua ay ang kauna-unahang lead role sa pelikula ni Ashley Diaz. Sa isang interview kay Ashley, ibinahagi ng batang aktres kung paano niya kinaya ang pressure ng pagiging lead role sa pelikula,“There will always be pressure naman sa bawat project pero iba po talaga kasi kapag first lead mo tapos solo ka pa, pero nasa sayo naman yon kung i-take mo yung pressure positively or negatively. Eh ngayon naman I'm taking it positively.”

 Nagkuwento rin si Ashley tungkol sa mga challenges na kailangan niyang harapin para sa kanyang role, “Pinaka-challenging na ginawa ko for this role ay yung nagpagupit ako, kasi halos years bago ko napahaba yung buhok ko, pero for the role I cut it short. Worth it naman.”

 Todo-suporta naman ang kanyang amang award-winning actor na si Joko Diaz na gaganap bilang si Mr. Manzano, ang term paper adviser ni Karen. “Kay Ashley, I’m a proud papa, pero siyempre kailangan gina-guide mo pa rin siya.” sabi ng aktor tungkol sa kanyang anak.

 Pinagbibidahan din ito ng mga young and promising stars gaya nina Kokoy De Santos na gaganap bilang Paco (duwag na research partner ni Karen), Lyca Gairanod bilang Faith (ang supportive best friend ni Karen), Krissha Viaje bilang Lena (protective na ate ni Karen) at Abby Bautista bilang si Mary Cherry Chua. Gaganap para sa isang importanteng role si Ms. Alma Moreno. Siya si Ms. Estrella, dating guro na magbibigay ng linaw sa nangyari kay Mary Cherry Chua. Binahagi ni Direk Roni ang pasasalamat niya sa cast at sa professionalism ng mga ito, “Lahat sila cooperative, tinutulungan nila ako maituro ko sa kanila or masabi ko sa kanila yung intention ng character.” Paparating na siya. Handa ka na ba? Alamin ang kuwento ni Mary Cherry Chua, in cinemas nationwide ngayong July 19, 2023.

SEAN DE GUZMAN AT QUINN CARRILLO WAGING BEST NEW MOVIE ACTOR AT ACTRESS SA PMPC STAR AWARDS FOR MOVIES

Dalawa sa mga contract artist ng Viva at 316 ang nagwagi last July 16 sa katatapos lang na PMPC Star Awards for Movies na ginanap sa The Manila Hotel.

Ito ay sina Vivamax King Sean De Guzman bilang Best New Movie Actor na hinangaan sa kanyang pagganap bilang baguhan sa pelikulang ' Anak Ng Macho Dancer ' ni Direk Joel Lamangan kung saan nito nakatrabaho ang mahuhusay nating aktor sa industriya na sina Allan Paule at Jaclyn Jose at si Quinn Carrillo bilang Best New Movie Actress na nagpakita ng natural na pag-arte bilang newcomer sa pelikulang ' Silab ' sa direksiyon din ni Joel Lamangan.

Mula noon ay nagtuloy-tuloy na ang paggawa ng pelikula ng dalawa sa bakuran ng Viva hanggang ngayon. 

Deserving ang dalawang alaga ni Len Carrillo sa napanalunan nilang award dahil kami mismo ay nakita namin kung gaano minahal ng dalawang aktor ng Viva Artist Agency ang kanilang propesyon bilang mga artista.

Promising talaga sina Sean at Quinn bilang mahuhusay na aktor sa kanilang henerasyon.

Sa kanilang parehong acceptance speech ay pinasalamatan mismo nina Sean at Quinn ang mga taong nasa likod ng kanilang tagumpay bilang mga baguhang aktor sa pelikula.

Wala pang eskedyul kung anong buwan umpisahang gawin ni Sean ang kanyang pelikula under 316 Media Network. Pero si Quinn, loaded ang kanyang nakalipas na buwan promoting her latest family-drama film ' Litrato ' kung saan niya naman nakatrabaho sina Ai Ai Delas Alas, Bodjie Pascua, Liza Lorena at Ara Mina sa direksiyon ni Louie Ignacio.

Ipapalabas na sa July 26 in cinemas nationwide ang Litrato at bukas, July 21 ay magaganap naman ang premiere night ng movie sa SM North The Block ng 4pm.

38TH PMPC STAR AWARDS FOR MOVIES LIST OF WINNERS

Narito ang official list of winners para sa 38th Star Awards for Movies:


MOVIE OF THE YEAR - “On The Job 2: The Missing 8” (Reality MM Studios, Globe Studios, HBO Asia Originals)

 MOVIE DIRECTOR OF THE YEAR - Erik Matti (On The Job 2: The Missing 8 ) 

INDIE MOVIE OF THE YEAR - “Katips” (PhilStagers Films) 

 INDIE MOVIE DIRECTOR OF THE YEAR - Vince Tañada (Katips)

MOVIE ACTRESS OF THE YEAR - Charo Santos-Concio (Kun Maupay Man It Panahon) at Sunshine Dizon (Versus)

 MOVIE ACTOR OF THE YEAR - Vince Tañada (Katips) 

 MOVIE SUPPORTING ACTRESS OF THE YEAR - Janice De Belen (Big Night!) at Lotlot De Leon (On The Job 2: The Missing 8 ) 

MOVIE SUPPORTING ACTOR OF THE YEAR - Johnrey Rivas (Katips) 

MOVIE ENSEMBLE ACTING OF THE YEAR - The cast of “On The Job 2: The Missing 8” 

 INDIE MOVIE ENSEMBLE ACTING OF THE YEAR - The cast of “Katips” 

NEW MOVIE ACTRESS OF THE YEAR - Quinn Carrillo (Silab)

NEW MOVIE ACTOR OF THE YEAR - Sean De Guzman (Anak Ng Macho Dancer) 

CHILD PERFORMER OF THE YEAR - Ella Ilano (The Housemaid)

SHORT MOVIE OF THE YEAR - “Black Rainbow” (Sinehalaga, NCCA, Negros Cultural Foundation, Uncle Scott Global Productions)

 SHORT MOVIE DIRECTOR OF THE YEAR - Zig Dulay (Black Rainbow)

 TECHNICAL CATEGORIES  

(Mainstream and Indie Films) 

 MOVIE SCREENWRITER OF THE YEAR - Michiko Yamamoto (On The Job 2: The Missing 8 )

 MOVIE CINEMATOGRAPHER OF THE YEAR - Teck Siang Lim (Kun Maupay Man It Panahon) 

 MOVIE EDITOR OF THE YEAR - Benjamin Tolentino (Big Night!) 

 MOVIE PRODUCTION DESIGNER OF THE YEAR - Whammy Alcazaren (Kun Maupay Man It Panahon) 

MOVIE MUSICAL SCORER OF THE YEAR - The Storyteller Project (My Amanda)

 MOVIE SOUND ENGINEER OF THE YEAR - Corinne De San Jose (On The Job 2: The Missing 8 )

MOVIE ORIGINAL THEME SONG OF THE YEAR -- "Umulan Man O Umaraw", performed by Rita Daniela, composed by Louie Ignacio, arranged by Bobby Velasco (for the movie "Huling Ulan Sa Tag-Araw")

 INDIE MOVIE SCREENWRITER OF THE YEAR - Lav Diaz (Historia Ni Ha)

 INDIE MOVIE CINEMATOGRAPHER OF THE YEAR - Lav Diaz (Historia Ni Ha)

 INDIE MOVIE EDITOR OF THE YEAR - Armando Lao, Peter Arian Vito, Ysabelle Denoga (Gensan Punch)

INDIE MOVIE PRODUCTION DESIGNER OF THE YEAR - Lav Diaz (Historia Ni Ha) 

 INDIE MOVIE MUSICAL SCORER OF THE YEAR - Pipo Cifra (Katips)

 INDIE MOVIE SOUND ENGINEER OF THE YEAR - Albert Michael Idioma (Gensan Punch) 

 INDIE MOVIE ORIGINAL THEME SONG OF THE YEAR - “Sa Susunod Na Ikot Ng Mundo” -- performed by Kris Lawrence, with saxophone solo by Nicole Reluya, composed and arranged by Von De Guzman (“Nelia”)

 SPECIAL AWARDS:

 Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award 

-- Ms. HELEN GAMBOA 

 Ulirang Alagad Ng Pelikula Sa Likod Ng Kamera Lifetime Achievement Award 

-- Director CHITO ROÑO 

 DARLING OF THE PRESS - Alfred Vargas 

 MOVIE LOVETEAM OF THE YEAR - Donny Pangilinan and Belle Mariano (Love Is Color Blind) 

FEMALE STAR OF THE NIGHT - Claudine Barretto

MALE STAR OF THE NIGHT - Christian Bautista

FEMALE CELEBRITY OF THE NIGHT

- Quinn Carrillo

MALE CELEBRITY OF THE NIGHT

- Sean De Guzman

FACE OF THE NIGHT - Sunshine Cruz