JUNE 24 AT 25 NA MAPAPANOOD ANG BRUNO MARS CONCERT SA PHILIPPINE ARENA

BULACAN, PHILIPPINES- Kasunod ng matagumpay na 120,000-strong Summer Blast 2023 crowd attendance, ang two-day concert naman ni Filipino-American multiple Grammy winner Bruno Mars ang inaabangang event sa Philippine Arena.

Sa kabila nga ng ga-higanteng 55,000 capacity ng world's largest indoor arena, kinailangan pang magdagdag ng isang araw ng concert para makapanood ang mas maraming tagahanga ng international singer.

Ang naunang inianunsyo na June 24 concert ay masusundan kaagad ng isa pa, sa June 25, dahil na rin sa 'overwhelming demand' para sa tickets. Ganyan karami ang Pinoy fans na nagmamahal sa Fil-Am singer.

No comments:

Post a Comment