JOKO DIAZ HINDI MATATAWARAN ANG HUSAY BILANG ISANG AKTOR

Nakasalamuha ko ang mahusay na aktor na si Joko Diaz last week while shooting for the film Sex Hub ni Direk Bobby Bonifaio for Vivamax. Nasa isang dekada kong hindi nakita si Joko pero nung makita niya akong pumasok sa standby area namin, touching ang batiin niya ako at kinamusta! 

Mahal ko ang pamilya nila dahil close din sa akin noon si Cheska Diaz! Anyways, ratsada ngayon sa paggawa ng pelikula sa bakuran ng Viva si Joko. 

Maganda kasi ang naging deal maybe nila ni Boss Vic Del Rosario na itinuring ng tatay-tatayan at kaibigan ni Joko sa panahon pa man ng kanyang amang si Paquito Diaz. 

Well-mannered talaga si Joko at yan ay isa lamang sa mga magagandang naging kaugalian ng mga artista noong 90's na aking naabutan. Marunong silang rumespeto at magbigay pugay at tinatandaan talaga nila ang mukha ng mga reporters. 

Unlike ngayon, naku, yung iba, ilang beses mo ng nakasalamuha at na-interview, kapag nakita kung kahit saan, dika kilala at hihintayin pa talaga nilang ikaw ang unang babati sa kanila. 

Kaya sila ngayong mga naga-artista, ayan, susulpot lang bigla at nawawa rin! Iba ang 70's 80's ay 90's na mga artista, tumatatak talaga sila! Kaya nagtatagal sila until now!

No comments:

Post a Comment