Beautiful ang title ng movie. I love it. " The Rain In Espana " na very Pinoy ang dating para sa akin. Kasi when you say Espana, agad-agad na papasok sa isip ko ay ang Espana sa Manila, isang mahabang daan, laging binabaha, nandoon ang University of Sto. Tomas at nasa dulo nito ang ilan pang naglalakihang unibersidad na sakop ng Maynila.
But what excites me sa movie, the poster yata o isang scene sa movie na umuulan tapos may waiting shed, tapos parang doon pinagtagpo ang mga karakter nina Heaven Peralejo at Marco Gallo! Exciting hindi ba!
Plus the fact na parehong guwapo at maganda ang bida sa movie at may chemistry sila huh! Malikot lang imahinasyon ko na feeling ko ay ako si Heaven sa waiting shed at dumating at nakisilong doon ang dati kong minahal o yung kahit isa man lang sa mga lalakeng dumaan sa aking buhay! O, divah!
Hay naku! Beautiful ang story. Pam-bagets at ang official soundtrack nito at lahat ng kantang maririnig mo sa film ni Direk Theodore Boborol ay mai-inlove ka more na sana all!
Magsisimula na ngayong May 1 ang first season nito na mapapanood sa Viva One!
Base po ito sa Bestselling Wattpad Novel ni Gwy Saludes. Winnet ito! Hindi ba FErlin Parreno
No comments:
Post a Comment