SEAN DE GUZMAN AT CLOE BARRETO DI-MASUSUKAT ANG HUSAY SA NAPAPANAHONG PELIKULANG THE INFLUENCER

Kagabi lang, August 4, 2022 ay naimbitahan kami ng Vivamax Philippines to attend the private screening of the film THE INFLUENCER sa Cinema 7 ng Gateway Mall, Cubao. 

Excited akong mapanood ang film na pinagbibidahan together ng dalawang anak-anakan namin sa 316 Events & Talent Management ni Len Carrillo na sina Sean De Guzman at Cloe Barreto sa direksiyon ni Louie Ignacio at produced ng 316 Media Network at Mentorque Production.

Bago pa man kasi ang naturang screening ay naging usap-usapan na ang dalawang bidang pinupuri ang kanilang ipinamalas na galing daw sa pelikula.

True enoughed! 

Pakahusay dito nina Sean at Cloe. Ibang klaseng pag-atake sa kani-kanilang role. Ibang Sean ang aming naramdaman na tila parang beteranong aktor na ang datingan. The same with Cloe. Grabe na. Kaya pinalakpakan talaga ng mga invited guests ang dalawang after ng film showing.

Hayop sa hubaran. Hayop sa aktingan. Hayop sa direksiyon. Hayop sa musical scoring. Hayop sa photography. Galing mo direk Louie Ignacio.

Pakahusay ng script ni Quinn Carrillo who's also in the movie. She nailed it again after BIYAK and TAHAN. 

Galing ng pelikulang ito na mismong taga-Viva raw ay ikinatuwa ang husay ng buong cast ng pelikula lalo na kena Sean at Cloe.

Masasabi nating nahasa na pareho sina Sean at Cloe na parehong si Direk Joel Lamangan ang nag-luwal at unang naniwala sa kanilang talento at nabigyan nga ang mga ito ng magagandang proyekto!

Gusto ko ring i-congratulate ang 316 Media Network ni Len Carrillo na walang sawang nagpo-produce ng magagandang materyal para sa kanyang mga anak ganoon din ang lahat ng nakikipag-co-produce sa kanya.

Balikan ko lang, galing ng confrontation scene nina Sean at Cloe. Diko sukat akalaing aktor na aktor na ang dalawa. Galing nung pagtanggap ng pakiramdam ni Sean habang tino-torture ni Cloe. Si Cloe naman habang tinotorture si Sean, yung mga mata nila, bitaw ng linya, reaksiyon sa eksena, sobra! Gagaling!

Sensiya na sa papuri pero sa totoo lang tayo. Mahuhusay na talaga sila. Lutong-luto na sa kanilang karera. Kayang-kaya na nila! Iba! 

Mapapanood ang The Influencer simula na ngayong August 12 sa Vivamax.

No comments:

Post a Comment