Naglipana ang mga award giving bodies. Magaganda ang titulo nila. Magaganda rin ang hangad o hangarin ng bawat isa. Ang makapagbigay ng inspirasyon sa lahat at mabigyang pagkilala ang mga nararapat kilalainin sa lipunang ating ginagalawan mapa-anong mundo man meron sila o ginagalawan nila!
Kamakailan lang ay naging interesado kami sa Gintong Parangal 2022 kung saan naimbitahan kami sa kanilanh ika-3 taon!
Medyo unique ito dahil Pinoy na pinoy ang titulo at usapang ginto na tayo. Parang ibang level ito dahil tatakbo ang pagkilalang ito sa salitang tagalog o Filipino sa pagbibigay ng linya at sa palabas mismo.
Kamakailan lang din ay naglabas na rin sila ng 25 personalidad mula sa iba't ibang larangan ng buhay na kabilang sa mga bibigyang parangal sa taong ito na magaganap na ngayong August 13, 7 ng gabi sa Okada, Manila.
1. Ricky Davao
Natatanging Gintong Parangal bilang Pinakamahusay na Aktor at Direktor sa Industriya ng Pelikulang Filipino
2. Rey Valera
Natatanging Gintong Parangal bilang Pinakamahusay na Mang-Aawit at Alagad ng Musikang Filipino
3. Jose Estrella
Natatanging Gintong Parangal bilang Mahusay na Direktor sa Sining ng Teatro
4. Dr. Ricardo G. Abad
Natatanging Gintong Parangal bilang Mahusay na Manunulat sa Sining ng Teatro
5. Liza Macuja Elizalde
Natatanging Gintong Parangal bilang Tagapagtaguyod ng Pagsayaw Ballet
6. Gelli De Belen
Natatanging Gintong Parangal bilang Pinakamahusay na Aktres sa Industriya ng Pelikulang Filipino
7. Dindo Arroyo
(First award after 32 years in the industry)
Natatanging Gintong Parangal bilang Mahusay na Beteranong Aktor sa Pelikula
8. Camille Prats
Natatanging Gintong Parangal bilang Mahusay na Host sa Telebisyon
9. Aljur Abrenica
Natatanging Gintong Parangal bilang Pinakamahusay na Aktor sa kanyang Henerasyon
10. Jayda Avanzado
Gintong Parangal bilang Mahusay na Mang-Aawit sa kanyang Henerasyon
11. Dinah Sabal Ventura
Natatanging Gintong Parangal bilang Mahusay na Manunulat at Patnugot sa Pamamahayag sa Pelikula at Telebisyon
12. Cristine Reyes
Natatanging Gintong Parangal bilang Pinakamahusay na Aktres sa kanyang Henerasyon
13. Xian Lim
Natatanging Gintong Parangal bilang Mahusay na Aktor at Direktor sa kanyang Henerasyon
14. Gigi de Llana
Natatanging Gintong Parangal bilang Pinakamahusay na Mang-Aawit sa kanyang Henerasyon
15. Dion Ignacio
Natatanging Gintong Parangal bilang Mahusay na Aktor sa Telebisyon
16. Heaven Peralejo
Natatanging Gintong Parangal bilang Mahusay na Aktres at Vlogger
17. Arci Munoz
Natatanging Gintong Parangal bilang Mahusay na Pagganap bilang Aktres
18. Devon Seron
Natatanging Gintong Parangal bilang Mahusay na Aktres sa kanyang Henerasyon
19. Rene Napenas
Natatanging Gintong Parangal para sa Pambansang Sining at Kultura
20. Alex Santos
Natatanging Gintong Parangal bilang Mahusay na Mamahayag sa Telebisyon at Radyo
21. Pat P. Daza
Natatanging Gintong Parangal bilang Mahusay na Mamahayag sa Telebisyon at Radyo
22. Teejay Marquez
Natatanging Gintong Parangal bilang Makabagong Aktor sa Pelikula at Telebisyon
23. Madam Inutz
Natatanging Gintong Parangal sa Makabagong Sining bilang Mahusay na Vlogger
24. CJ Perez
Natatanging Gintong Parangal bilang Mahusay na Manlalaro ng Basketball sa Larangan ng Pampalakasan
25. John Obiena
Natatanging Gintong Parangal bilang Pinakamahusay na Manlalaro ng Pole Vaulting sa Larangan ng Pampalakasan
No comments:
Post a Comment