HIWALAYANG JASON AT MOIRA, PINAGPIYESTAHAN

Pasabog ang hiwalayang Jason Hernandez at Moira Dela Torre two days ago hindi lang sa local entainment newspapers lalo na sa social media. Pagkatapos ng tatlong taong pagsasama sa iisang bubong at pagkatapos ng isang bonggang kasal ay nauwi rin sa hiwalayan at wala ang lahat.

Ayon sa inilabas nilang statement sa pamamagitan ng isang post ni Jason sa kanyang social media account ay they both agreed to end everything and they're asking for respect and privacy.

Naloka lang kami because, nanghihingi sila ng respeto at privacy, eh, bakit sila mismo nagpost sa kanilang social media? Kung hindi ba naman nakakaloka, hindi ba?

Anyways, ang isa pang nakakaloka ay ang pakikisawsaw nitong pambang marites na si Xian Gaza. Naglabas pa ng larawang may kasamang lalake diumano si Jason at katabi pa nito sa loob ng isang eroplano. Kung hindi ba naman nanggugulo ang Lolo Xian niyo, hindi ba? Walang magawa eh!

And just today, confirmed nga'ng larawan na iyon na inilabas ni Xian at confirmed din na ito ay si Mac Merla na road manager nina Jason at Moira. Kuha nga ito nina Mac at Jason sa loob ng plane dahil papunta sila noon sa isang bansa para sa show ni Moira at si Moira pa diumano ang kumuha nito.

Nakakaloka hindi ba? Batukan ko itong si Xian Eh! Kakagigil huh! Anyways, kahit announced na ang hiwalayang Jason at Moira na sila rin naman ang may kagagawan, Congrats parin kay Moira dahil happy naman siya kahit papano dahil isa siya sa aabangang hurado o judge sa pagbabalik telebisyon ng Idol Philippines na mapapanood parin sa Kapamilya Network! 

Atleast magiging abala siya noh! Kahit papano ay makakatulong itong maibsan ang kanyang lungkot na nararamdaman!

Yun na! Basta! Sa susunod, kapag humingi kayong respeto at privacy, ipost niyo agad-agad sa social media niyo ha! Para masaya! 

No comments:

Post a Comment