“Ipaglaban mo naman ako.” ‘Yan ang hiling ng isang babaeng alam na maikli lamang ang buhay. Ano kaya ang rason ng minamahal niyang lalaki para hindi ito ibigay sa kanya?
Matapos ang halos tatlong taon, magsasama muli ang real life couple na sina McCoy de Leon at Elisse Joson sa isang pelikulang siguradong pupukaw ng damdamin, ang “Habangbuhay”. Handog ng Vivamax, ito ay available for streaming sa April 20, 2022 sa Vivamax Plus at April 22, 2022 sa Vivamax.
Si Elisse Joson ay gumaganap na Bea. Dahil sa sakit na Common Variable Immune Deficiency (CVID), mababa ang proteksyon ng kanyang katawan laban sa iba’t-ibang impeksyon, kaya naging taong-bahay na lamang si Bea.
Kahit maraming ipinagbabawal ang kanyang ina na si Lily (Yayo Aguila), nananatiling masayahin at may positibong pananaw si Bea. Nage-enjoy siya sa kanyang sariling mundo na puno ng musika, pangarap at imahinasyon. Live streaming ang kanyang paraan para makasalamuha ang ibang tao. Sa kabila ng lahat, masasabing maayos pa rin ang lagay ni Bea. At dahil kay JR, mas lalo pa siyang sumasaya.
Si McCoy de Leon ang gumaganap na JR, ang houseboy ng kanilang pamilya. Noong bata pa lang ito ay kinupkop siya ng yaya ni Bea nang makitang palabuy-laboy sa lansangan na parang wala sa sarili. Lumaking seryoso si JR. “Sad boy” ang pagsasalarawan niya sa kanyang sarili. Naging magkalapit sila ni Bea dahil sa interes nila sa musika, hanggang tuluyan na nga silang ma-in love. Mas binibigyang kulay ni JR ang mundong nakasanayan ni Bea, at para sa kanya, si JR ang kanyang “safe space”. Pero bigla na lang tila lumalayo si JR. Paano na ang pangako nito na magtatayo sila ng sariling pamilya at magsasama habangbuhay?
Ang “Habangbuhay” ay mula sa direksyon ng award-winning na si Real Florido. Pinarangalan siya bilang Best Director sa London Film Awards at nagwagi ng Best Feature Film sa Canada International Film Festival para sa pelikulang “1st Ko Si 3rd”. Nakatanggap rin ang pelikulang ito ng Gender Sensitivity Award sa QCinema International Film Festival.
Ito ang pagbabalik-pelikula ng McLisse love team matapos ang 2019 movie na “Sakaling Maging Tayo”. Simula 2021 ay napapanood na si McCoy sa Vivamax dahil bida rin ito sa comedy series na “Puto” at sa musical film na “Yorme – The Isko Moreno Domagoso Story”.
Bago matapos ang 2021, inilabas nina McCoy at Elisse sa madla ang kanilang baby daughter. Marami ang nagdiwang sa balitang ito at pina-trend ng kanilang fans ang #McLisse.
Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net at saksihan ang kakaibang chemistry ng McLisse sa “Habangbuhay”.
Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.
Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit. Meron pang hot price na P29 lamang at may 3-day access na sa Vivamax.
Sa halagang P499, pwede nang makuha ang VIVAMAX PLUS. Sa pamamagitan ng special feature na ito, maaari nang mauna sa pag-stream ng gusto niyong pelikula isang liggo bago ang regular playdate!
Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya. Para makapagbayad gamit ang app, maaaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard. Para makapagbayad mula sa Ecommerce, maaaring pumili sa Lazada, Shopee, Comworks, Clickstore, or Paymaya. Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central. Ang mga cable partners ng VivaMax ay SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.
Nasa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar rin ang Vivamax. Makakapanood na sa halagang AED35/month. Sa Europe, 8 GBP ang halaga ng Vivamax kada buwan.
Mayroon ring Vivamax sa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand,USA at Canada.
Hindi hihinto ang Vivamax para ma-entertain ang buong mundo.
Vivamax, atin ‘to!
No comments:
Post a Comment