SEAN DE GUZMAN SASABAK NA SA MAS MATINDING AKTINGAN WITH DIREK JOEL LAMANGAN

Sean patutunayang kaya ring maging dramatic actor sa bagong obra ni Joel Lamangan

Ngayong 2022 ay muling magsasanib-puwersa sa pelikula sina Sean de Guzman at Direk Joel Lamangan para sa  “social crime drama” movie na may woking title na Fall Guy.

Ang Fall Guy na pagbibidahan ni Sean ay istorya ng isang influencer na naging biktima ng injustice system dahil sa kanyang estado sa buhay. Ang pelikula ay sinulat ni Troy Espiritu,  produced by Len Carillo of 3:16 Media Network and John Bryan Diamante of Mentorque Productions.

Si Direk Joel ang director ni Sean sa launching movie niyang Anak Ng Macho Dancer noong 2020. Nasundan pa ito ng mga pelikulang Lockdown, Bekis on the Run, Huling Baklang Birhen sa Balat Lupa (di pa naipapalabas) at Island of Desire. Ang Fall Guy ang magsisilbing 6th movie nila na magksdama.

Para sa isang baguhang aktor na katulad ni Sean ay napakalaking karangalan ang muling maidirek ng multi-awarded director sa isang kakaibang film project.

“Iba ito sa mga usual films na ginagawa ko dati. Malayung-malayo siya. Hindi na sex ang yung sentro ng pelikulang ito. Susubukan ko namang tumawid sa pagiging dramatic actor,” excited na pahayag ng binata.

Malaki naman ang tiwala  ni Direk Joel na kakayanin ni Sean ang role na hinihingi sa kanya sa bagong pelikula.

“Noon pa naman, nung nakatrabaho ko si Sean sa una niyang pelikula ay alam kong malayo talaga ang mararating niya bilang aktor. Hindi ko kailanman pinagdudahan ang kanyang kakayahan. Alam kong he will deliver,” papuri ng award-winning director kay Sean.

Tatalikuran na ba niya ang paggawa ng sexy movies?

Sagot ni Sean, “Hindi naman sa ganun. Gusto ko lang din ng growth as an actor at mag-explore pa ng iba-ibang roles na kaya ko pang gawin. Malay niyo, after this mag-aksyon naman ako?

“Ayoko lang i-limit ang sarili ko. Gusto kong masubukan lahat para mas marami pa akong matutunan.”

Confident din ang mga producer ng pelikula na  panahon para subukan naman ni Sean ang ibang genre.

“Madami pa kasi siyang ilalabas na hindi pa nakikita ng tao. Ang dami niyang pinagdaanan at alam kong makakatulong yon nang smalaki a role niya ngayon,” sabi ni Len.

Makakasama ni Sean sa Fall Guy sina Glydel Mercado,   Shamaine Buencamino,  Vance Larena, Cloe Barreto,   Quinn Cariillo,  Marco Gomez, Karl Aquino, Tina Paner, Jim Pebanco,  Pancho Carrillo, Mark Cardona, Tiffany Grey, Azekah Alvarez, Nisa Oetiz at Itan Magnaye.

Meanwhile, bukod sa mga pelikula ni Direk Joel ay nakilala rin si Sean sa mga pelikula ng Vivamax na Nerisa, Taya, Mahjong Night, Hugas at sa Vivamax original series na Iskandalo.

MCCOY AT ELISSE INAABANGAN NA SA PELIKULANG HABANGBUHAY NGAYONG APRIL 20 NA SA VIVAMAX PLUS AT APRIL 22 SA VIVAMAX

“Ipaglaban mo naman ako.”   ‘Yan ang hiling ng isang babaeng alam na maikli lamang ang buhay.  Ano kaya ang rason ng minamahal niyang lalaki para hindi ito ibigay sa kanya?

Matapos ang halos tatlong taon, magsasama muli ang real life couple na sina McCoy de Leon at  Elisse Joson sa isang pelikulang siguradong pupukaw ng damdamin, ang “Habangbuhay”.  Handog ng Vivamax, ito ay available for streaming sa April 20, 2022 sa Vivamax Plus at April 22, 2022 sa Vivamax. 

Si Elisse Joson ay gumaganap na Bea.  Dahil sa sakit na Common Variable Immune Deficiency (CVID), mababa ang proteksyon ng kanyang katawan laban sa iba’t-ibang impeksyon, kaya naging taong-bahay na lamang si Bea.  

Kahit maraming ipinagbabawal ang kanyang ina na si Lily (Yayo Aguila), nananatiling masayahin at may positibong pananaw si Bea.  Nage-enjoy siya sa kanyang sariling mundo na puno ng musika, pangarap at imahinasyon.  Live streaming ang kanyang paraan para makasalamuha ang ibang tao.  Sa kabila ng lahat, masasabing maayos pa rin ang lagay ni Bea.  At dahil kay JR, mas lalo pa siyang sumasaya.  

Si McCoy de Leon ang gumaganap na JR, ang houseboy ng kanilang pamilya.  Noong bata pa lang ito ay kinupkop siya ng yaya ni Bea nang makitang palabuy-laboy sa lansangan na parang wala sa sarili.  Lumaking seryoso si JR.  “Sad boy” ang pagsasalarawan niya sa kanyang sarili.  Naging magkalapit sila ni Bea dahil sa interes nila sa musika, hanggang tuluyan na nga silang ma-in love. Mas binibigyang kulay ni JR ang mundong nakasanayan ni Bea, at para sa kanya, si JR ang kanyang “safe space”.  Pero bigla na lang tila lumalayo si JR.  Paano na ang pangako nito na magtatayo sila ng sariling pamilya at magsasama habangbuhay?  

Ang “Habangbuhay” ay mula sa direksyon ng award-winning na si Real Florido.  Pinarangalan siya bilang Best Director sa London Film Awards at nagwagi ng Best Feature Film sa  Canada International Film Festival para sa pelikulang “1st Ko Si 3rd”.  Nakatanggap rin ang pelikulang ito ng Gender Sensitivity Award sa QCinema International Film Festival.

Ito ang pagbabalik-pelikula ng McLisse love team matapos ang 2019 movie na “Sakaling Maging Tayo”.  Simula 2021 ay napapanood na si McCoy sa Vivamax dahil bida rin ito sa comedy series na  “Puto” at sa musical film na “Yorme – The Isko Moreno Domagoso Story”.

Bago matapos ang 2021, inilabas nina McCoy at Elisse sa madla ang kanilang baby daughter.  Marami ang nagdiwang sa balitang ito at pina-trend ng kanilang fans ang #McLisse.   

Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net at saksihan ang kakaibang chemistry ng McLisse sa “Habangbuhay”.  

Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.

Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit.  Meron pang hot price na P29 lamang at may 3-day access na sa Vivamax.

Sa halagang P499, pwede nang makuha ang VIVAMAX PLUS.  Sa pamamagitan ng special feature na ito, maaari nang mauna sa pag-stream ng gusto niyong pelikula isang liggo bago ang regular playdate!  

Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya.  Para makapagbayad gamit ang app, maaaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard.  Para makapagbayad mula sa  Ecommerce, maaaring pumili sa Lazada, Shopee, Comworks, Clickstore, or Paymaya.  Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central.  Ang mga cable partners ng VivaMax ay SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.  

Nasa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar rin ang Vivamax.  Makakapanood na sa halagang AED35/month.  Sa Europe, 8 GBP ang halaga ng Vivamax kada buwan.  

Mayroon ring Vivamax sa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand,USA at Canada.  

Hindi hihinto ang Vivamax para ma-entertain ang buong mundo.  

Vivamax, atin ‘to!

FRANCIS GREY GAME SA KISSING AT SHOWER SCENE WITH GIO RAMOS SA PELIKULANG KATIWALA

Siya si Francis Grey. Ang baguhang aktor na mapapanood natin sa pelikulang KATIwala ni Direk Joven Tan. Nakatsikahan ko si Francis sa isang location shoot ng pelikula sa Tagaytay. Approachable siya at charming. Palabati at he always smile. Cute at halatang may pinag-aralan dahil napansin ko yun sa kanyang pakikipag-konbersasyon sa akin.

Produkto pala ng Mr. Pogi 2019 ng Eat Bulaga si Francis. Sa kuwento nito, naging grand finalist siya. Yun nga lang, naudlot ang dapat sana ay papasibol na niyang career sa showbiz dahil pumasok na ang pandemya.

Inamin  nitong medyo na dismaya siya dahil pangarap niyang makilala rin sa showbizlandia. Hinarap niya ang pandemya hanggang sa kanyang pagpirma ng kontrata sa Virtual Playground ni Dondon Monteverde bilang contract artist ay dumating nga ang movie offer na ito. Ang maging isa sa leading man ni Eljay Bravo na isa ring newcomer sa industry.

Hindi na nagdalawang-isip si Francis. Siyempre, tinanggap agad ang role niya at pinaghandaan niya raw ito. 

Sa kuwento ni Francis, minahal niya ang istorya ng pelikula lalo na ang kanyang role. Sexy film ito according to Francis pero punong-puno ng magandang kuwento kapag pinanood niyo ang movie.

Naikuwento rin ni Francis ang naging M to M kissing scene niya sa ka-lead actor niya sa pelikula na si Gio Ramos na isa ring guwapitong tsinito at long hair.

Naka-10 takes daw ang nasabing kissing scene niya with Gio at nairaos naman daw nilang dalawa. Bukod sa aabangang lovescene nila ni Eljay Bravo sa movie, kaabang-abang din daw ang bathroom shower scene nilang dalawa ni Gio. 

Sa naturang bathroom o shower scene ay matindi raw ang naging romansahan nila ni Gio at may mangyayaring aabangan daw natin! Hindi naman kaya ito na yung BJ scene niya? 

While watching Francis delivering his line, may future ang binata huh! Plus the fact na mahal din siya ng camera! Let's see!

Well, i've read a piece of the script ni Direk Joven. Maganda rin talaga ang istorya. May katuturan at hindi ka magsisisi kapag pinanood mo ito. 

Soon ay malalaman na natin kung saan ito ipapalabas. Basta't laging tandaan ang tanong? Kanino ka magtitiwala? Sa KATIwala ba? Malapit na! 

ABANGAN SINA ELJAY BRAVO GIO RAMOS AT FRANCIS GREY SA LAUNCHING FILM NILANG KATIwala NI DIREK JOVEN TAN

Last tuesday ay binisita ko ang set o location shoot ng pelikulang KATIwala na pinagbibidahan ng mga baguhang sina Eljay Bravo, Francis Grey at Gio Ramos. 

Isang imbitasyon kasi ang aking natanggap mula kay Direk Joven Tan who's directing the said film. Alfonso, Cavite ang location but it's near Tagaytay lang kaya napaka-cool lang ng shooting na sinabayan pa ng buong maghapong ulan.

Anyways, personal kung nakasalamuha ang tatlong bida. Ongoing ang shoot ni Direk when i arrived. Nadatnan kong eksena nina Eljay at Francis ang kinukunan kaya tumabi muna ako hanggang sa makita kong nakaupo sa table si Tita Edith Fider-the producer na deretsahang sinabi nito sa akin na hindi raw Saranggola Productions ang gagamiting company para sa pelikulang KATIwala.

Hindi na ako nagtaka dahil ang Saranggola ay kilala sa pagpo-produced ng wholesome films since they started at itong KATIwala ay isang sexy film kaya nag-iisip parin daw siya kung anong gaganitin nila.

Sinang-ayonan din ito ni Direk Joven Tan na hindi rin naman bago ang pagdidirek ng mga seksing pelikula na walang ginawa kundi ang okrayin ako. 

Hanggang sa pormal na akong inintroduced ni Direk kena Eljay, Gio at Francis. Una kong napansin si Eljay na parang walang kamuwang-muwang sa mundo who's playing the lead role sa sexy film na ito. Tried my best to interview her sana pero sunod-sunod ang kanyang mga eksena. Pero napag-alaman kong she's totally ready naman pala sa pagpapaseksi sa pelikulang ito. Actually, nung maisingit ng official film photog nila ang freetime ni Eljay ay nagkaroon ng swimming pool pictorial si Eljay at ang seksi pala nito. I like her morena color na talagang pinay din ang datingan. Ang ganda ng korte ng katawan na mala-Vivian Velez huh!

Hanggang sa makausap ko naman sa isang sulok itong baguhang si Francis Grey na isang 22 years old. Ibinalita nito sa akin na naging finalist siya ng Eat Bulaga's Mr. Pogi last 2019. Hindi na ako nagtaka kung bakit naging finalist siya dahil ang tindi rin ng kanyang sex appeal  lalo na kapag ngumingiti huh! Nalaman ko rin na pinaghandaan niya rin ang kanyang pagpapaseksi sa movie at napanood ko pa nga ang ilang sexy scenes niya with Eljay at palaban siya huh! Marunong din umarte at may future!

Hindi ko rin pinalampas ang pagkakataong makatsikahan si Gio Ramos na tsinito, matangkad at guwapito. Masarap din kausap si Gio in fairness. Kuwela at makuwento rin. Nakalaban niya rin pala noon sa mga male pageants si Ricky Gunera na ayon kay Gio ay laging nananalo. 

Anyways, dahil daldalita- hindi naman masyado, itong si Gio ay nalaman ko mismo sa kanyang may ginawa silang lovescene dito sa KATIwala ni Francis. Isang kissing scene at bathroom scene. Na ayon pa sa kuwento ni Gio ay game na game siya at walang inhibisyon ganoon din daw si Francis.

Maselan daw ang mga eksenang yun at bilang baguhan ay kinaya niya dahil narin siguro sa interes niyang makilala sa showbizlandia. Malaki rin daw ang tiwala niya kay Direk Joven Tan kaya napapayag siyang gawin ang mga iyon huh!

Parehong nasa Virtual Cinema Artist ni Dondon Monteverde sina Gio at Francis bilang contract stars. Both Gio and Francis ay nangangarap ding makilala sa showbiz. 

Maganda ang script o istorya ng KATIwala na mismong si Direk Joven Tan ang nagsulat! Abangan! 

MAS MAPANGAHAS NA CLOE BARRETO SA COMEBACK FILM NITONG TAHAN NI DIREK BOBBY BONIFACIO JR.

Last monday afternoon ay naganap ang story conference ng pelikulang Tahan na pagbibidahan ni Cloe Barreto. Considered as comeback film ito ni Cloe after being launched sa pelikulang Silab at si Joel Lamangan ang naging direktor nito. Sina Marco Gomez at Jason Abalos ang naging co-actors niya that time at ngayon naman ay si JC Santos kung saan si Bobby Bonifacio Jr. naman ang gagawa nito.

Halatang excited na si Cloe na gawin ang kanyang comeback film pagkatapos magpahinga at magpaseksing muli. Kahit kami ay excited much kay Cloe dahil alam namin kung gaano kamahal ni Cloe ang kanyang pinasok na trabaho sa Silab palang.

Nakita naming palaban siya sa anumang role at aktres kung aming ituring dahil maipagmamalaki ng kanyang manager na si Len Carrillo ang galing nito bilang isang aktres.

Kung may Chanda Romero siya sa Silab, may Jacklyn Jose naman siya ngayon sa Tahan na sinulat mismo ni Quinn Carrillo na bida rin sa pelikulang Biyak ni Joel Lamangan.

Masuwerte rin si Cloe dahil isang JC Santos ang kanyang makaka-eksena sa pelikulang Tahan. Alam naman nating isa si JC Santos sa mahuhusay nating aktor sa showbizlandia at walang kukuwestiyon dun!

Actually, kayang-kaya niya talagang makipagsabayan. Magaling bumato ng kanyang linya at mahal din siya ng camera. Kaya nakapanghihinayang kung hindi siya magbalik para lalo pang mahasa ang kanyang kalibre bilang isang baguhang hindi lang pagpapaseksi ang alam kundi palaban at hinfi pahuhuli sa aktingan!

Ang Tahan ay produced ng 316 Media Network. Wala pa kaming ideya kung kelan ang start ng shooting ng pelikula pero sinisiguro naming napakaganda ng istorya nito!

Abangan si Cloe Barreto sa kanyang mas mapangahas na pagbabalik pelikula! Yun na!