CHRISTINE BERMAS GAGAWIN ANG LAHAT PARA SA KANYANG LAUNCHING MOVIE WITH KIT THOMPSON AT ALBIE CASINO

Maseselamg eksena kaagad para sa pelikulang Moonlight Butterfly na pinagbibidahan ng baguhang aktres na si Christine Bermas na produkto ng 316 Events And Talent Management ni Len Carrillo ang kinunan sa first shooting day nito. Bago isinalang kahapon si Christine ay nakausap ko siya. Aminado siyang may excitement sa part niya pero nangingibabaw daw ang kaba dahil sa pressure na hahanapin sa kanya bilang bida sa pelikula lalo na at isang mahusay at batikang direktor na si Joel Lamangan ang hahawak sa kanya.

But according to her, she's ready, pinaghandaan niya diumano ng todo ang mga gagawin nitong pagpapaseksi sa pelikulang sinulat ni Eric Ramos. Hindi biro ang gagawing pagpapakita ng kanyang katawan sa pelikulang ito. Lalo na't first time niyang makatrabaho sina Albie Casino at Kit Thompson. 

" Mabait po sila pareho. First time ko pareho sa kanila. Medyo kinabahan po ako Tito, pero keri na! " natawang tsika pa nito sa akin.

Kinamusta ko naman ang naging laplapan nila ni Kit Thompson sa swimming pool!

" Ayyy! Okey lang Tito! Kineri ko! " bungisngis pa nitong tugon sa akin. " aniya. 

Si Christine Bermas ay unang nakilala bilang miyembro ng all female group na Belladonnas at nakasama na rin sa pelikulang Silab, Ang Huling Baklang Birhen Sa Balat Ng Lupa at Pola.

Kaya naman napapanahon namang bigyang launching movie si Christine dahil ayon na rin mismo kay Direk Joel Lamangan...

" Magaling na bata si Christine. May nakita ako sa kanya dahil naging artista ko na siya sa ilang pelikula ko. " deretsahang pahayag pa ni Direk Joel Lamangan during the storycon ng pelikula.

Pangalawang movie produced na ito ng 316 Media Network ni Len Carrillo mula sa pelikulang  Silab kung saan inilunsad nito si Cloe Barreto. This time ay may katuwang namang ibang producer si Maam Len na sina Mario Salamat at Melanie Uy! 

Produkto rin ng 316 Events And Talent Management sina Sean De Guzman, Marco Gomez, Quin Carrillo na parehong nasa Viva Artist Agency na. Ganoon din sina Gelo Alagban at Karl Aquino na nasa bakuran naman ng GMA Artist Center. 

36TH PMPC STAR AWARDS FOR MOVIES THIS SUNDAY NA!

The 36th PMPC STAR AWARDS FOR MOVIES will have its broadcast on Sept. 26, Sunday, 6:00-9:00 pm at STV (can be viewed in any normal TV sets with digital antenna and TV box) and RAD streaming platform!


After 9pm, the show will also be streamed on PMPC Facebook page, FDCP Channel, and other online platforms of the media partners of the event.


Hosted by Alfred Vargas and Sanya Lopez, this annual movie awards is presented by The Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) in cooperation with The Film Development Council of The Philippines (FDCP).


Awesome production song numbers are from Regine Velasquez-Alcasid, Jed Madella, and Luke Mijares.


For 36 years, due to the ongoing community quarantine, this is the first virtual awards presentation of the said award giving body organized by the pioneering entertainment group in the Philippines, headed by its current president Roldan Castro.


This year, the PMPC will bestow the Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award to veteran theater, film, and television actress Ms. Angie Ferro, while the Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Award will be presented to seasoned master Director Elwood Perez who's celebrating his 50th year in the movie industry.


The show is written by Winnie Magcalen Mariano and directed by Pete Mariano.


Thank you to FDCP, RAD, sponsors WEMSAP of Wilbert Tolentino, Mowelfund with Rez Cortez as president, etc.


#36thStarAwardsForMovies

#PMPC

#NgayongLinggoNa

MOONLIGHT BUTTERFLY MOVIE NI JOEL LAMANGAN PAGBIBIDAHAN NG BAGUHANG SI CHRISTINE BERMAS KASAMA SINA ALBIE CASINO AT KIT THOMPSON

JUST IN: Finally ay ipinakilala na sa entertainment media kaninang hapon ang mga napiling aktor na magsisipagganap sa pelikulang #MoonlightButterfly bilang launching movie ni @christinebermas_ ng #316EventsAndTalentManagement mula sa direksiyon ni Joel Lamangan sa mas pinatibay na istorya at script ni Eric Ramos. 

Makakatrabaho ni Cristine Bermas sina Kit Thompson, Albie Casino, Tanya Gomez, Quin Carrillo, Gigo De Guzman, Hershei De Leon, Jim Pebangco, Ivan Carapiet at Jolo Estrada.

After ng kontrobersyal na pelikulang #Silab bilang launching movie naman ni @cloebarreto ay itong #MoonlightButterfly naman ang latest offering ng #316MediaNetwork this year bilang pangalawang film produced ng magkaibigang Melo Uy at Len Carrillo.

Bago pa man nag-umpisa ang media launching at storycon ng #MoonlightButterfly ay sinunod po ng production ang mahigpit na protocols like antigen swabbing test mula sa production staff, invited media at artista!

Scheduled na next week ang umpisa ng shooting ng inaabangang pelikula na maglulunsad sa walang kinatatakutan at palabang si Christine Bermas!

In all fairness sa baguhang si Christine Bermas, magaling itong sumagot sa mga tanong na ibinato ng entertainment media sa kanya. Naging deretsahan din si Tin sa pagsasabing huwag na siyang ikumpara sa kaibigan nitong si Cloe Barreto na inilunsad din sa pelikulang Silab nang tanungin ito kung sino sa kanila ang mas magaling umarte at mas palaban kapag hubaran na?

" Huwag nalang po. Kasi pamilya po kami. Iisa po ang Nanay Len namin at kayo nalang po ang humusga after po. " pagtatanggol pa ni Tin.

Hindi ito ang kauna-unahang beses na maidirek siya ng isang Joel Lamangan. Ano naman ang pakiramdam niya't isang respetado, kinatatakutan at bigating direktor ang maglulunsad sa kanya?

" Natatakot parin po ako. Nakakakaba. Pero gagawin kopo lahat para hindi po ma-disappoint sa akin si Direk. Gagawin ko po lahat! " aniyang muli. 

Nang tanungin naman namin ito kung sino kena Albie Casino at Kit Thompson ang bet niya?

" Silang dalawa! Ha! Ha! Ha! Kinikilig po ako sa kanila Tito! " walang kiyemeng tsika pa nito sa among kaswal na usapan.