ACTOR SEAN DE GUZMAN HINUSGAHAN, PINURI AT PINALAKPAKAN SA IPINAKITANG GALING BILANG BAGUHAN SA ANAK NG MACHO DANCER

Kagabi January 30, 2021 ay nag-premiere na nga ang kontrobersyal na pelikulang Anak Ng Macho Dancer ni Joel Lamangan na pinagbibidahan ng newbie actor na si Sean De Guzman ng 316 Events And Talent Management ni Len Carrillo. 

" Nagpapasalamat po ako sa Godfather Productions sa ibinigay po nilang tiwala sa akin nung piliin po nila akong maging bida sa movie. Kay Direk Joel na napakarami ko pong natutunan habang sino-shoot po namin ang movie. Sa mga kapwa ko pong artista sa movie, sobrang nagpapasalamat po ako sa kanilang lahat. Sa manager ko, kay Nanay Len, sa 316 family ko, hindi kopo kayo maisa-isa, sobrang salamat po talaga. " bulalas pa ni Sean kagabi pagkatapos naming sabay-sabay panoorin dito sa Lian, Batangas ang launching film niyang produced ng Godfather Productions ni Joed Serrano. 

Personal kong tinutukan ang bawat eksena ni Sean sa pelikula. Wala akong masabing iba kundi hindi nagpasindak si Sean sa kanyang mga kasabayang naglalakihang aktor sa pelikula. Hindi sinayang ni Sean ang bawat eksenang kinabibilangan niya. Ipinamalas nito ang kanyang angking galing kaya naman hindi namin ito maiwasang purihin.

Hindi lahat ng baguhang aktor ay nabibigyan ng break sa showbiz. Hindi lahat ng napagbubuksan ng oportunidad ay nagtatagumpay. Hindi lahat ay pinagkakatiwalaan. Pero sa ipinakitang husay ni Sean sa pelikula bilang si Inno ay hindi kami nagkamali sa pagpuri sa kanya unang araw palang ng shooting niya sa pelikula kung saan naglabas din ng mga papuring komento ang mga artistang ka-eksena niya. 

Hindi lang ang magandang rehistro ni Sean sa camera ang pinalakpakan namin, higit sa lahat ay ang pagpapasikat nitong bilang baguhan ay mapapakinabangan na siya ng industriya ng pelikula at telebisyon. 

Obcourse, sino pa ba ang kauna-unahang taong proud na proud sa kanya kundi ang kanyang Nanay Len Carrillo kasama ang kanyang buong 316 familen na kagabi ay kitang-kita namin ang proud at happy reactions ng mag-asawang Deo Carrillo at Len Carrillo. 

" Am happy for Sean. Masaya ako sa ipinakita niyang trabaho sa launching film niya. Lalo na yung work ethics niya. Mas marami pang mailalabas si Sean and hoping akong magtuloy-tuloy ang blessings niya. Proud Nanay ako! Sa totoo lang. Sobrang thankful ako sa mga taong nagbigay ng tiwala sa kanya. Thank you sa inyong lahat. Masaya ako for him. Ang dami kong natanggap ngayon palang na magagandang comments about him sa movie. Salamat talaga. " pagtatapos pa ni Ma'am Len Carrillo ang super supportive manager ni Sean. 


NASAAN NA NGA BA SI NADINE LUSTRE?

Marami ngayon ang nagtatanong kung nasaan na si Nadine Lustre. Kung anu-ano na raw ang pinagkakaabalahan ng sikat na aktres simulang kumawala ito sa kanyang mother studio na Viva Films. 

Hanggang youtube nalang daw ba ang kanyang beauty? Hanggang post sa instagram nalang daw ba muna ang kanyang pinagkakaabalahan?

Ano na raw ang status ng kanyang showbiz career? May career paraw ba siya o wala na? Nasaan na nga ba si Nadine Lustre?

Sa mga tanong na ito, pilit ko pa rin isinasaksak sa aking kokoteng si Nadine Lustre ay isang magandang dalaga, mapagmahal sa pamilya, matino magtrabaho at higit sa lahat ay magaling umarte! 

Yan ang aking pagkakakilala kay Nadine. Isang magaling na artista sa mundo ng pelikula at telebisyon! 

Nasaan na nga ba siya???

DANIEL AT KATHRYN KASAL NALANG ANG KULANG

Nitong Disyembre lang ay nagsama-sama sa isla ng Boracay ang pamilya nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Ito ay ang Bernardo at Ford Family. Naglabasan ang naga-gandahang larawan nina Daniel at Kathryn sa isla ng Boracay. Kitang-kita ang sweetness to the highest level ng dalawa at halatang bawat minutong magkasama sila ay masaya sila at tila silang-sila na! 

Marami tuloy ang nagsabing kasal na lang daw ang kulang sa dalawa dahil mukhang handang-handa na ang dalawa para bumuo ng sariling pamilya. 

Pero ayun na rin mismo kay Daniel nung huling makausap namin ito, marami pa silang gustong gawin sa kani-kanilang career at hindi naman daw sila nagmamadaling dalawa. 

Samantala, sa pagpasok ng taong 2021 ay nakaantabay parin ang KathNiels kung anong proyekto ang nakahandang gawin nina Daniel at Kathryn. Abang-abang nalang tayo guys! 


CLASSY SEAN DE GUZMAN

Kahit kami ay namangha sa ganda ng kinalabasang pictorial ni Sean De Guzman para sa Village People Magazine lalong-lalo na ang kuha kay Sean na nakalagay sa cover nila. Iba naman talaga ang datingan ni Sean. Love na love siya ng camera. Maliit ang mukha at aminin natin, telegenic at photogenic siya! 

Level-up kung level-up ang pakimbash ni Sean sa mga naglabasang pics niya na makikita sa pahina ng VPM which is already out in the market. 

Bongga rin ang interview kay Sean and you need to have your own VPM para mabasa niyo at lalo ninyong makilala kung sino nga ba si Sean De Guzman---ang laman ng usap-usapan para sa pelikulang pinagbibidahan niya ang Anak Ng Macho Dancer.

Marami nga ang nagsabing, it's time for Sean to shine! Dahil hindi lang po kahubdan ni Sean ang ating makikita sa kanyang launching film kundi mapapanood din natin ang maipagmamalaking pag-arte nito sa silverscreen kasama ang naglalakihang aktor natin sa showbiz industry!

Mapapanood na ngayong January 2021 ang pelikula mula sa direksyon ni Joel Lamangan handog sa atin ng Godfather Productions.

NEWLY ELECTED PMPC OFFICERS 2021

The pandemic is a great challenge in itself. That's why leading an organization at this time of the crisis doubles the challenge. Therefore, let us all work together in unity to serve our club's purpose," newly elected PMPC president Roldan Castro said.


The PMPC (Philippine Movie Press Club), Inc. is a group of professional and active entertainment journalists of newspapers, magazines, and tabloids, bloggers/vloggers, online influencers, and radio/ TV/ online reporters in the country. PMPC functions as an independent award-giving body through the PMPC Star Awards for Movies, PMPC Star Awards for Television, and PMPC Star Awards for Music. PMPC is well-known for honoring Filipino artists for nearly 40 years and its annual Star Awards ceremonies are highly anticipated in showbiz industry.


Adhering to the current health protocol, PMPC had its election casting votes in small batches to accommodate all  members. Virtual counting of votes was held immediately after on January  8, 2021, at the club's office located at Deta Building in Roces Avenue, Quezon City.


After selection and deliberarion by top 15 winners, Abante Tonite Editor Roldan Castro  was declared 2021 PMPC President. Castro brings with him years of experience as dedicated club member and as entertainment journalist. This is also his third time to serve the club as president. He was president in 2009 and in 2012 prior to serving the club in various capacities in between.


Aside from Castro elected were Fernan de Guzman of Radyo Inquirere as Vice President, Mell Navarro as Secretary and Mildred Bacud as Assistant Secretary.


Boy Romero was unanimously voted to remain as Treasurer while Lourdes Fabian was chosen as Assistant Treasurer.  Comebacking officer John Fontanilla clinched the position for Auditor while Rodel Fernando and Leony Garcia retained their posts as PROs.


The 2021 Board of Directors are composed of immediate past President Sandy Mariano, Past President Joe Barrameda,  Eric Borromeo, Timmy Basil, Rommel Placente and Francis Simeon.


Aside from the usual projects, the club is expected to venture on worthy undertakings for the welfare and camaderie of its members at this time of pandemic. The newly-elected officers are expected to be inducted within the month of January.

MHACK MORALES DAKOTA AT PALABAN

Tapos na ang pasko pero nitong biyernes lang, January 8, 2021 ay maraming kaibigan at kasamahan sa entertainment media ang nag-joy to the world! Ito ay nangyari sa Simons Supreme Resto along Tomas Morato corner Kamuning Road, Quezon City nang walang kiyemeng ibinuyangyang ng newbie actor na si Mhack Morales ang kanyang kahubdan. Umariba sa kanyang ginawang dance number sa harap ng entertainment media si Mhack at walang pakialam. 

Sabi ko, napakatapang ni Mhack para gawin yun! Yun nga! Matapang pala talaga siya sa totoong buhay katuwang ang mga pinagdaanan nito sa kanyang pribadong buhay maisakatuparan lang ang pangarap nitong makapagtapos sa pag-aaral. 

Sa naturang solo-launch ni Mhack ay nalaman ng entertainment media na teacher pala siya at nakapagtapos siya sa pamamagitan ng pagbabalat-buto kasama na ang kanyang pagtatrabaho sa isang bar.

Sa naturang solo-launch din ay walang kiyemeng inamin ni Mhack na siya ay dakota sabay sabing wala sa size kundi sa performance daw nasusukat kapag sex naman ang pag-uusapan!

Ayon kay Mhack, hindi naging madali para sa kanya ang buhay na kanyang tinatahak. Kaya naman ng kunin siyang artista sa pelikulang Anak Ng Macho Dancer na pinagbibidahan ni Sean De Guzman under Godfather Productions ni Joed Serrano ay hindi na nito pinakawalan ang pagkakataon.

Aminado siyang pangarap niya rin ang paga-artista at kayang-kaya niya diumanong gawin ang lahat para maging maganda ang kanyang buhay.

Ayon naman kay Joed Serrano may mga nakalaang proyekto na diumano para kay Mhack para sa Godfather Productions! Mapapanood na rin  ngayong January ang Anak Ng Macho Dancer bilang kauna-unahang movie produced ni Joed mula naman sa direksyon ni Joel Lamangan!