MAY SIGALOT NGA BA SINA JIN MACAPAGAL AT MANAGER NITONG SI MARIO COLMENARES

Kung achievement sa kanyang showbiz career, puwede na nating sabihing, kahit papano ay kilalang-kilala na rin si Jin Macapagal bilang isang magaling na dancer, singer maybe at aktor. Kumbaga kahit papano ay may 'name' na rin siya sa showbizlandia simulang manalo siyang BidaMan sa daily noontime show ng Kapamilya Network na It's Showtime.

Saksi ako kung paano rumatsada ang kanyang karera. Nakita ko rin ang pagiging professional nito sa kanyang trabaho. Ramdam din namin ang kanyang dedikasyon kaya naman bago pa man tayo nagkaroon ng pandemya ay humahataw talaga si Jin sa telebisyon, out of town shows at pelikula. 

Kamakailan lang ay nakausap ko si Jin Macapagal ng masinsinan sa isang face to face interview para naman sa promo ng kanyang latest movie na Suarez: The Healing Priest na pinagbibidahan ni John Arcilla at si Jin naman ang gumanap bilang young Father Suarez mula sa direksyon ni Joven Tan produced ng Saranggola Productions ni Ms. Edith Fider.

Ayon kay Jin, masaya siyang makatrabaho ulit si Direk Joven after Damaso. Masaya rin siyang makatrabaho ang ilan pang mga magagaling na aktor natin sa industriya ng pelikula. 

" Yung trust po sa akin ng production, sobrang na-appreciate ko po. Yung tiwala sa akin ni Direk Joven Tan, nakakataba ng puso. " paglalahad pa ni Jin.

" Ako po kasi ang gumanap na young Father Suarez sa movie na ito. Gusto kopo yung role ko, nakita ko rin po yung buhay na meron si Father Suarez at his young age na ginampanan ko, parang, hindi rin po ganoon ka-saya, may lungkot din na makikita nila sa movie. Am just honored po talaga na ipinagkatiwala nila sa akin ang role. Sobrang blessed lang. " aniyang muli sa aking panayam.

Ayon pa kay Jin, happy naman siya sa kasalukuyang tinatakbo ng kanyang showbiz career. Yun nga lang, dahil sa pandemic, ayun, nga nga rin siya for how many months at ngayon nalang din muli umaapir.

Bago ko winakasan ang aking interview kay Jin, naitanong ko sa kanya ang totoong estado ng kanyang relasyon ngayon sa kanyang manager na si Mario Colmenares. May nabalitaan kasi akong tila may hidwaan sila at parang gusto na nitong kumawala sa poder ng kanyang manager. Balita ko rin ay sa kaibigan o kamag-anak na siya nanunuluyan ngayon at hindi na sa provided residence ni Mario Colmenares para sa kanyang mga talents sa Primetime Artists Management?

" Ahhhh. Ha! Ha! Ha! " ang natawang sagot lang ni Jin Macapagal sa aming panayam na halatang umiiwas mapag-usapan ang problema nila ng kanyang management! 

Well, in that case, saganang akin lang, we have to give the best respect sa both parties. Pareho ko kasing nirerespeto at minamahal sina Jin at Kuya Mario Colmenares. Wala akong ibang dasal kundi ang maaayos din ang sigalot ng dalawa at happy ending parin! 

Basta! Goodluck Jin Macapagal. You'll go places more basta't kapit lang at tuloy-tuloy lang sa pag-usbong! 

No comments:

Post a Comment