March 15, 2020 ay isinailalim ang ating bansa sa Enhanced Community Quarantine dahil naging pandemya na ang Corona Virus na kumitil ng milyong buhay mula sa iba't ibang bahagi ng mundo. Halos lahat ng tao, mahirap ka man o mayaman ay walang ligtas sa sakit na ito. Maraming Filipino ang nawalan ng trabaho, naghirap, nagutom at nawalan ng pag-asa dahil sa virus. Naging masaklap ang buhay ng karamihan pero hindi nawalan ng pag-asang mapupuksa rin ang pandemyang kinatakutan ng buong mundo. Napakaraming industriya ang nagsara dahil sa pandenya kung saan kasama ang mundo ng entertainment. Magpahanggang ngayon ay patuloy pa rin ang ating pakikipaglaban sa virus na ito.
Pero sa gitna ng pakikipaglabang ito, sa gitna ng kalungkutang ito, sino ba naman ang mag-aakalang may gagamiting instrumento ang kataas-taasang Maykapal upang kahit papano ay magkaroon ng kulay ang ating bawat araw at maibsan ang ating lungkot sa nagdidilim nating mundo? May mga taong naitadhana ng mabusilak ang kalooban at hindi matitiis ang kanilang kapwa tao. May mga taong maluwag ang pakiramdam sa nararamdamang hirap ng kanilang kapatiran sa panahong tila wala ng bukas pang masisilayan.
Sa mundo ng entertainment, may isang nilalang, kaibigan at mahal ng lahat ang hindi nagdalawang-isip na gumawa ng kabutihan sa paraang alam niya. Isang kaibigang walang preno sa pagpaparamdam ng kanyang haplos ng pagmamahal sa mga taong itinuring niyang kaagapay at kaibigan sa kanyang naging paglakbay sa magandang buhay. Isang kaibigang nagmula sa wala, nagsikap at ngayo'y nagbubuhos ng biyaya sa kanyang kapwa. Isang instrumento at nagpapa-totoong kapag nagsikap ka sa buhay at may pagmamahal sa kapwa ay hindi magiging imposible ang isang matamis na tagumpay sa buhay.
Siya ay walang iba kundi ang kaibigang Wilbert Tolentino o Wilbert Ting Tolentino na ipinanganak sa Binondo, Manila noong May 18, 1975 na bunso naman sa limang magkakapatid.
Dahil sa kanyang pagpursige sa buhay, hindi man naging madali ang lahat ay pilit na inabot ni Wilbert ang kanyang pangarap. Nanalo bilang Mr. Gay World-Philippines noong 2009 at naging Entrepreneur, naging isang Network Developments Officer, CEO at Board of Directors ng WEMSAP. Siya rin ang may-ari ng F Club, One 690 at Apollo Club, mga negosyong alam niyang marami siyang natutulungang tao.
Successful na maituturing si Wilbert Tolentino sa lahat ng bakurang kanyang pinasok. Matalino kung tutuusin at malawak ang pananaw sa buhay lalo na sa kanyang mga ideyang hindi matutularan.
Kaya sa gitna ng pandemya ay gumawa ng paraan si Wilbert Tolentino upang maiparating ang kanyang pagtulong sa lahat ng mga taong malalapit sa kanyang puso. Binuo niya ang konsepto ng Sir Wil Online Challenge kung saan hindi siya naging maramot sa pagbibigay ng naglalakihang pa-premyo. Halos walong kategorya o challenges na ang natapos online kung saan nag-umpisa ito sa isang The Queen of Lockdown Transformation 2020. Sinundan ng Sir Wil Extreme Cutie Quest Challenge, Online Star Influencer Season 1, Sir Wil Drag Queen Challenge, Beki Online Pageant titled Queen of bECQi 2020, Wil Or No Wil Online Game Show, The King of ECQ Online Search titled Ginoong Quarantino 2020 at ang Online Star Influencer Season 2.
At dahil sa kanyang lubos na pagmamahal sa entertainment world, umaariba naman ngayon sa online world ang Sir Wil Media Challenge bilang pasasalamat ni Wilbert Tolentino sa mga miyembro ng media, press, DJ's, radio announcer, broadcaster, bloggers, reporters, writers and columnist across the country mula sa entertainment, lifestyle at pageants.
Mula sa mga proyektong ito ay masasabi nating napakalaking bagay itong Sir Wil Online Challenge upang mabigyang tulong with a purpose ang bawat sumasali. Isang paraan ng pagtulong ni Wilbert Tolentino makapaghatid man lang ng pagmamahal sa kanyang kapwa Filipino.
Isang online challenge man ito na may alituntunin, sa totoo lang, this was the brightest idea na aking nakita sa online world habang nakikipaglaban tayo sa pandemyang ito! Isang ginintuang paraan ng pagbibigay saya at kislap sa bawat isa!
Saludo ako sa inyong lahat na bumubuo sa Sir Wil Online Challenge na ito! To God Be The Glory!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Nag-umpisa ang lahat o naging ugat ng lahat ng samut-saring panghuhusga ang hiwalayang KathNiel last year. Kung anu-ano na ang sinasabi ng m...
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
No comments:
Post a Comment