May panghihinayang sa parte ni Direk Joven Tan sa maagang pagpanaw ni Father Suarez noong February 6, 2020. Ayon sa kuwento ni Direk Joven nang bisitahin namin ito sa last shooting day ng nasabing bio-flick ng sikat na The Healing priest, short time lang daw niya nakilala ang mabuting pari. Nanghihinayang siya dahil hindi man lang daw mapapanood ni Father Suarez ang finished film product niya.
" Nakakalungkot lang kasi hindi rin namin inakalang ganoon ka-bilis ang lahat. Pero ganoon talaga ang buhay eh. " paglalahad pa ni Direk Joven.
Dalawang araw bago pumanaw si Father Suarez dahil sa heart failure ay nakasama pa raw nila ito nang imbitahin nila si Father para panoorin ang almost 90% rushes ng naturang pelikula.
" Actually, after niya mapanood, may mga sinabi siyang dapat tanggalin yung ganito at habaan yung ganito which is sinusnod namin. Like itong mga kinukunan namin ngayon sa last shooting day, mga pinadagdag na ito ni Father Suarez sa amin. " aniya.
Ganoon pa man, ayon kay Direk Joven, tuloy na tuloy pa rin ang pagpapalabas ng bio-flick ni Father sa pamagat nitong Suarez: The Healing Priest produced by Sarangola Media Productions ni Edith Fider na naghayag din ng kanyang kalungkutan sa pangyayari.
Nitong nakaraang linggo lang ay tuluyan na nga'ng inihatid si Father Suarez sa kanyang huling hantungan sa Batangas. Naroon lahat ng production staff, cast and crew ng movie ayon kay Direk na nagbigay pugay at respeto sa huling sandali ni Father Suarez.
Just for the record, inamin ni John Arcilla na nung unang banggitin sa kanya ang pagkakapisil sa kanya bilang gaganap na Father Suarez sa movie, inamin nitong nagdalawang-isip pa itong tanggapin ang role dahil sa kontrobersyang kinasangkutan daw ni Father Suarez along the way. Hanggang sa makilala niya diumano personally si Father Suarez at ngayo'y proud na proud siyang sabihing isang karangalan para sa kanya ang gampanan ang papel ng isang Paring alam niyang napakabuti at napakaraming natulungan sa mundo. Excited na rin daw si John Arcilla sa pagpapalabas ng Suarez: The Healing Priest dahil gusto niya rin daw makita ang kanyang trabaho na ginawa niya ng buong puso bilang handog niya na rin daw kay Father Suarez.
Ayon kay Direk Joven, may mga nakunang eksena raw itong nakunan kay Father Suarez na ipapakita rin daw nila sa kabuuan ng pelikula. Mga eksenang kapag napapanood daw nila ay parang buhay na buhay pa rin daw si Father Suarez para sa kanila na nakilala nila na isang napakabuting tao at kapag nahawakan ka raw niya ay tila may miracle na nangyayari sa paligid mo!
Mapapanoo na ngayong summertime of March ang pelikulang handog ni Joven Tan hatid sa atin ng Sarangola Media Productions kasama sina Dante Rivero at Jin Macapagal na gaganap namang younger version ni Father Suarez sa movie.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Nag-umpisa ang lahat o naging ugat ng lahat ng samut-saring panghuhusga ang hiwalayang KathNiel last year. Kung anu-ano na ang sinasabi ng m...
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
No comments:
Post a Comment