JIN MACAPAGAL INAMING LUCKY CHARM NIYA SI JANE OINEZA


After niyang manalo bilang The Ultimate BidaMan ng It's Showtime last year ay inulan na ng biyaya si Jin Macapagal. Rumatsada ang kanyang showbiz career. Nandiyan ang kanyang halos araw-araw na exposure sa It's Showtime, kaliwat-kanang out of town shows at paggawa ng pelikula. Kung tutuusin ay halos wala na rin pahinga si Jin. Pero ayon na rin mismo sa binata, napakarami pa niyang gustong gawin sa showbiz lalo na diumano ngayong napagbuksan na siya ng nagagandahang oportunidad na hinding-hindi niya diumano pakakawalan pa. Marami pa diumano siyang gustong gawin at patunayan, kaya ganoon nalang siya kasipag sa kanyang trabaho na ikinatuwa naman ng kanyang management which is Primetime Events And Talent Management ni Mario Colmenares. Hindi ganoon kalaki ang role ni Jin sa pelikulang US AGAIN ng Regal Entertainment, pero sa trailer palang, mukhang mapapabilib na naman ang lahat sa binata pagdating sa kanyang pagbibigay buhay sa kanyang character sa pelikula. Minsan ng pinatunayan ni Jin ang kanyang pagiging magaling na aktor sa pelikulang Damaso last year ni Direk Joven Tan kung saan humakot ng papuri ang binata huh! Sa pelikulang US AGAIN, maikling ibinalita naman sa amin ni Jin na tuwang-tuwa siya nung inilapag sa kanya ang movie lalo na nung banggitin diumano sa kanya na makakatrabaho niya si Jane Oineza.
Kung ating matatandaan ay si Jane Oineza noon ang naging kapareha niya sa acting challenge niya noon sa Bidaman ng It's Showtime!
Sinabi nito sa amin during our tsikahan na lucky charm niya daw si Jane Oineza. Feeling niya lang daw dahil sa pagkakatagpi-tagpi nalang daw ng mga pangyayari!
Napakasaya diumano ni Jin na makatrabaho niya ang mga magagaling na aktor sa pelikulang iyo na sina Jane at RK dahil habang ginagawa niya diumano ang movie, napakarami niya diumanong natutunan sa dalawa.
Kasama rin sa pelikulang Suarez, The Healing Priest si Jin bilang bagets na Father Suarez na ngayong Marso na rin ipapalabas!
Ang bongga ni Jin! Pakahusay naman kasi! Marunoing umarte! Kaya expected na yan, hindi talaga mawawalan ng proyekto yan!


No comments:

Post a Comment