COCO MARTIN, HINDI LANG MAGALING NA AKTOR PAKAHUSAY NA RING DIREKTOR

Nitong hapon lang ay hindi si Pol ( Coco Martin ) ang sumipot sa parada ng mga bituin para sa kanyang pelikulang 3 Pol Trobol na official entry ng CCM Productions ngayong taon para sa Metro Manila Film Festival. Yes na yes. Isang dilag sa katauhan ni Paloma ( Coco Martin ) ang nagpakitang ganda with co -stars Super Tekla, Ai Ai Delas Alas at Jennelyn Mercado. Silang apat kasama pa ang iba pang cast ng pelikula ay sumampa sa float ng 3 Pol Trobol kaya naman nagkagulo na sa lansangan ng BGC. 
Last thursday ay naimbitahan ako sa VIP Screening ng movie. Papalakpakan mo talaga si Cardo este Coco Martin sa pelikulang ito. Hindi namin alam kung saan humuhugot si Coco ng lakas at talas ng isip kung bakit niya nagawang maging makabuluhan at super ganda ang pelikulang ito. Napagsama-sama ni Coco ang magagaling na aktor natin sa industriya ng pelikula at telebisyon sa movie na ito. Naitawid niya rin ang mga komedyanteng kasama at nagampanan nilang lahat ang kani-kanilang karakter. 
Napakaganda ng istorya ng movie. Ipinakita rito kung paano haharapin ni Pol ( ang karakter ni Coco ) ang mga dagok na darating sa kanyang buhay kasama ang kanyang pamilya. Ipapadama rin sa atin ng pelikulang ito ang pag-ibig. Maaksiyon ang movie pero aliw ako sa pagpasok ng karakter ni Paloma na tumimbang sa maaksiyong timpla ng pelikula huh! Bentahe ng movie si Paloma na napakatariray sa kanyang mga naging kasuotan sa movie. Sabi ko nga, kinabog ni Paloma ang ganda ni Jen sa movie huh! Aliw na aliw ako talaga sa karakter ni Paloma na magpapakulay din sa kabuuan ng pelikula. Ayokong maging spoiler pero hindi mo talaga pakakawalan ang iyong tingin sa mga eksena ni Paloma dahil kapag kumurap ka, naku, hindi mo masisilayan ang kanyang kaseksehan!  Pang-buong pamilya talaga ang 3 Pol Trobol ni Coco Martin. Beautiful ang music scoring, lalo na ang editing nito, in fairness! 
Masasabing ko nang this time ay hindi lang napakahusay na aktor ni Coco Martin, isa na rin siyang mahusay na Direktor kahit sabihin nating sobrang baguhan palang siya sa kanyang craft! Well, made na si Coco! At sigurado akong tatabo sa takilya ang pelokulang ito na pangkalahatan na! Bongga! You nailed it Coco Martin! Ibang klase ka!

No comments:

Post a Comment