Ano ang maaaring maganap kapag pinagsama-sama sa isang pelikula ang Comedy Queen Ai Ai Delas Alas, ang Ultimate Star Jennelyn Mercado at ang King of Philippine TV Coco Martin? Siguradong triple treat ang hatid nila na kumpleto sa tawanan, kiligan at aksyon para ngayong kapaskuhan. Ang 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon ay ang official entry ng CCM Film Production para sa ika-45 na Metro Manila Film Festival ngayong December 25 na!
Ang 3Pol Trobol ay tungkol sa istorya ni Apollo ( Coco ) na anak ng single mother na si Mary Balbon ( Ai Ai ). Bilang bodyguard ng executive director ng National Defense Agency naipit si Pol bilang major suspek sa pagkaka-ambush ng kanyang Boss. Lingid sa kaalaman nang lahat, naisawalat pa sa kanya ng kanyang boss ang mga katiwaliang nagaganap sa ahensiya bago ito namatay.
Habang pinaghahanap ng batas, kinailangang makalapit ni Pol sa anak ng kanyang boss na si Trina ( Jennelyn ) para msabi nito ang tungkol sa pagkamatay ng kanyang ama. Pero mahirap makalapit kay Trina dahil palaging nakadikit si Andrew ( Sam ) na anak ni Senator Simon ( Edu ) ang utak sa pagpatay sa ama ni Trina. Kaya napilitan si Pol na magpanggap bilang nawalay na half-sister ni Trina na nagngangalang Paloma para makalapit ito sa kanya.
Paano kapag nalaman ni Trina na ang kinilala niyang half-sister ay ang suspek sa pagkamatay ng kanyang ama?
Well, kakaiba nga ang kuwento ng pelikulkang ito ayon na rin mismo kay Coco Martin nang sabihin nitong hindi pa napapanood sa FPJ's Ang Pribinsyano ang mga eksenang makikita sa pelikula except dun sa karakter na binigyang buhay niya mismo sa movie bilang si Paloma. In all fairness, halatang maganda ang movie at punong-puno rin ito ng katatawanan kasama ang hindi mawawalang action scenes ni Coco. May problem solving man sa movie, sigurado kaming pipilahan ito sa takilya noh! Kaaliw din ang ilan pang kasama sa pelikula ni Coco mula sa Kapamilya at Kapuso Network!
Palabas na ang movie ngayong December 25 sa mga sinehan sa buong Pilipinas na si Coco mismo ang nag-direk nito!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
-
THANKFUL si Yuki Sonoda sa oportunidad na binigay sa kanya ng 316 Media Network ni Len Carrillo sa pagkakabilang niya bilang isa sa tatlon...
No comments:
Post a Comment