Sinadya namin sa bandang Bulacan area ang sikat na singer/ actor / host na si Marlo Mortel sa shooting ng latest movie nitong Santigwar mula sa direksyon ni Joven Tan na produced ng Horseshoe Studios at ire-release naman ng Reality Entertainment. Sa aming pakikipagtsikahan kay Marlo, paulit-ulit nitong sinabing hindi isyu sa kanya kung mainstream man o indie movie ang kanyang ginagawa. Mas mahalaga diumano ang biyayang ipinagkaloob sa kanya at ang tiwalang ibinigay sa kanya keysa bigyang-pansin ang sinasabi ng ibang tao. Sa pelikulang Santigwar na magso-showing na ngayong October 30 in cinemas nationwide ay medyo nahirapan daw si Marlo sa ginawa nitong katatakutang eksena sa pelikula. Inamin nitong mas mahirap ang gumawa ng horror movie. But Marlo insisted na he did his part well. In-fairness kay Marlo, magaling din siyang umarte. Malalim din umarte ito at alam naming darating din ang panahong mabibigyang-pansin din siya sa mundo ng showbiz at maipakita pa lalo ang kanyang galing bilang isang aktor.
Nabatid din naming sa lahat ng kanyang naging proyekto simulang maging active ang kanyang career, lahat daw ng mga iyon ay nangyari ayon na rin sa kanyang sariling diskarte. Sariling desisyon at paghihirap. Wala diumano siyang kinapitang tao o backer para umlagwa kaagad ang kanyang career at di-sanay sikat na sikat na ngayon! Nanindigan si Marlo na hindi niya kailangang gawin ang manggamit ng kanyang kapwa para lang sa kanyang sinasabing satisfaction sa buhay at ikakaganda pa lalo ng kanyang career. Pero sinabi rin nitong kung mkay mga artistang nagpapagamit para sa kapalit ng isang kasikatan, nirerespeto niya diumano ito at may kanya-kanya tayong paniniwala sa mundo. Meaning, hindi niya kailangang magpagamit lalo na sa mga maiimpluwensiyang tao sa showbiz para lang magka-career noh! Well, litanya pa ni Marlo, mas masarap sa pakiramdam kung ang lahat ng maging achievements daw natin sa buhay ay pinaghihirapan natin ng buong-buo.
Marlo also exclaimed that masaya na siya ngayon sa kanyang career kahit paisa-isa ang project na dumarating. Happy narin siya sa kanyang daily morning show na Umagang Kay Ganda bilang isa sa mga segement host nito for how many years. Malaking bagay diumano ang kanyang daily morning show upang mairaos niya ang kanyang mga pangangailangan sa buhay lalo na ang kanyang pamilya. May naging tampo rin pala si Marlo sa isang project niya noon kung bakit siya biglang nawala na lang sa eksena lalo na sa kanyang naging ka-loveteam. Pero noon daw yun at hindi siya marunong magtanim ng sama ng loob. Sabi nga namin, alam ng lahat kung paano niya iginapang noon ang kanyang namayapang Ina na ayon kay Marlo ay halos mawalan na siya lahat subalit lumaban siya at hindi nawalan ng pag-asa. Mahal na mahal niya raw ang kanyang Inang yumao at ginawa niya naman talaga ng lahat para dito hanggang sa huling hininga nito. Nakakaramdam diumano siya ng kapaguran pero hindi diumano siya napapagod lumaban sa buhay. Ang Santigwar ay ipapalabas napo sa mga sinehan simula ngayong October 30!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
-
THANKFUL si Yuki Sonoda sa oportunidad na binigay sa kanya ng 316 Media Network ni Len Carrillo sa pagkakabilang niya bilang isa sa tatlon...
No comments:
Post a Comment