Buhos-buhos ang pasasalamat ng respetado at world champion singer na si Jed Madela sa kanyang naging karera sa mundo musika simulang pasukin niya ito. Kamakailan lang ay isang thanksgiving blogcon ang kanyang ipinatawag upang magbigay pasalamat sa mga taong involved kung bakit naging successful ang kanyang singing career. Ayon kay Jed, naging fruitful ang mga taong nagdaan sa kanyang buhay kaya naman wala na siyang mahihiling pa. Mula sa naglalakihang concerts here and abroad, jampacked at fullpacked concerts ang pinatunayan ni Jed kaya naman hindi pa rin matitinag ang kanyang titulo bilang pinakamagaling na male performer sa ating bansa.
Mula sa pag-ariba sa concert scene ay umariba rin halos lahat ng kanyang ginawang album. Tulad nalang ng kanyang latest album na Superhero.
" The recornition of my album Superhero is a big deal for me. I'm very honored that the CMMA's recognized this album. For me kasi, this album is a reflection of who I am. When i was conceptualizing it, inisip ko na i didn't want to release an album just for the sake of having a hit song. I wanted to put together an album full of songs that people can relate to. " sez Jed Madela.
Looking back, he thinks he was able to do exactly that, given the success of the singles Di Matitinag, Superhero and the BoybandPH collab Be With You Again.
" Ang daming naka-relate sa kanila. Which is awesome. I wanted people to really relate to my songs. Alam mo yung pakiramdam na kapag naka-relate ka sa isang song, you'll say, wow, kuwento ng buhay ko 'to ah. That's what i really wanted for Superhero so for it to be recognized by a legitimate award giving body means a lot. I prayed hard for this album to succeed so win or lose i'am very thankful. " aniya.
After Superhero was released Jed staged his 15th anniversary concert Higher Than High at the Big Dome last November 16, 2018. The concert was a resounding success but not many know that Jed Madela was very hands-on when it came to the preparations.
" That concert was a major milestone for me because it marked my first time to do a solo concert at the Big Dome. But what made it really special was the fact that i was heavily involved in every aspect of it. It was then that i realized na i'am more than just a performer. I can direct and write din pala. So now i'am looking forward to doing more concerts, not just as a performer, but as someone who works behind the scenes. " aniya.
Nasa plano rin ni Jed ang pagtatayo ng isang music school someday para mas marami diumano siyang matutulungang aspiring singers.
Mula sa kanyang pagiging besing hurado sa Tawag Ng Tanghalan for months ay grabe rin rumaket si Jed sa mga corporate events dahil gustong-gusto siyang kinukuha.
Kamakailan lang ay siya naman ang napiling kakanta para sa isang State Dinner sa loob mismo ng Malacanang!
Ganyan ka-bongga ang karera ng isang Jed Madela. Ayon pa kay Jed, wala siyang ibang dasal kundi ang patuloy lang ang lalo pang pagganda ng kanyang showbiz career sa music scene!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
-
THANKFUL si Yuki Sonoda sa oportunidad na binigay sa kanya ng 316 Media Network ni Len Carrillo sa pagkakabilang niya bilang isa sa tatlon...
No comments:
Post a Comment