NEWCOMER ACTION STAR JAVI BENITEZ PINURI NINA TONTON GUTIERREZ AT JUAN RODRIGO


Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakilala ko in-person ang baguhang future action star na si Javi Benitez. Binisita namin ang location shooting ng kanyang launching movie under BrightLights Productions titled Kid Alpha One directed by Richard Somes sa Epic Park, Tanay, Rizal last Sunday. Matangkad, maganda ang pangangatawan, seksi at higit sa lahat ay napakatalino. In our interview, walang kiyemeng pinagsasagot ni Javi ang tanong na ibinato sa kanya ng Entertainment Media. Kitang-kita namin ang pagiging simpleng tao ng papasikat na action star. Marunong itong makipag-usap sa Press at may pinag-aralan. Naabutan kasi naming kinukunan ang isang action scene niya kasama si Sue Ramirez. Putukan at tamblingan. Medyo delikado ang kanyang ginawang stunts but Javi exclaimed in our interview na as much as possible, kapag kaya niya ang isang stunt, siya raw mismo ang gumagawa nito. Pinagbawalan pala siya ng kanyang Daddy at mismong Direktor na kapag delikado ang mga eksena, required siyang magpa-double. 
" Since day 1, ang dami ko ng sugat, bruises, pasa. I know that it's a part of my job. Kaso may mga eksenang pinagbawalan talaga ako ng direktor namin to do it. Tapos ayaw din ng Dad ko especially yung tatalon ka and mga explosions. " aniyang bulalas pang kuwento sa amin.
Halatang mahal at gusto ni Javi ang kanyang ginagawa ngayon. Nabatid din naming gustong-gusto rin niyang makilala bilang isang magaling na action star someday. Kaya ganoon nalang ang kanyang pagpupursige to finish this film na plano nilang mai-release Internationally. 
Sa totoo lang, action star material talaga si Javi. Marami sa ngayon ang sumubok makilala maging action star pero hindi sila nag-succeed. But Javi, looking at him, yung tayo niya at aura, para siyang si Tom Cruise ng Pinas. Lalo na nung napanood namin ang isang trailer o tvp ng Kid Alpha One, napa-wow kami kasi parang Hollywood movie ang among napanood huh! Yung registration niya sa screen, yung mukha niya, pakahusay talaga!
Patunay dito ang binitiwang komento ng dalawang beteranong aktor na sina Tonton Gutierrez at Juan Rodrigo na katrabaho din niya sa pelikula.
" He's a revealation. He's a natural actor. When it comes to his action scenes, napakagaling ni Javi. " sez Tonton.
" Intense yung kanyang portrayal bilang isang action star. Kapag pinapanood mo siya sa mga action scenes niya, para na siyang dating action star! Galing! Bilang isang baguhan, mahusay si Javi. " sez Juan Rodrigo. 
Hindi lang sina Tonton at Juan ang pumuri sa ipinapakitang galing ni Javi sa movie kundi halos lahat ng katrabaho niya. 
Nauna na palang kinunan ang almost 80 percent ng movie sa Bacolod ba o Iloilo kung saan nag-root si Javi. May natitirang 4 shooting days nalang daw sila according to Ms. Pia Almojela the Executive Producer of the film. Ms. Pia told us na puntirya talaga nilang maipalabas sa international market ang movie dahil ibang klase raw itong pelikulang ito! 

No comments:

Post a Comment