Masarap kausap ang MOR DJ na si Cha Cha! Sa isang pocket interview namin sa kanya kamakailan lang ay naging maboka ang sikat na DJ sa pagsasabing hindi naman talaga ang pagiging Disc Jockey ang pangarap niya. Gusto niya raw talagang maging flight attendant noon. Kaso lang, na-realized niya diumanong hindi naman daw siya katangkaran kaya hindi niya na raw ipinagpilitan pa ang mga bagay-bagay na hindi talaga puwede. Hanggang sa nagdesisyon diumano siyang mag-Mass Communication nalang at pagkatapos niyang magtapos ay kinuha pala kaagad siya ng Kapamilya Network.
" Sobrang blessed ko lang siguro. Right aftetr ng graduation ko ng April the next month ay nagtrabaho na kaagad ako. " aniyang tsika pa sa amin.
Aniya, kung anumang meron daw siya ngayon sa kanyang career ay masaya na siya. Ang daming oportunidad diumano ang nagbukas para sa kanya simulang maging DJ siya.
Pero nung nag-uumpisa palang daw siya, nagkaroon din pala sila ng isyu noon ng kanyang sinasaludohang DJ ng Love Radio na si Nicole Hayala.
" Oo! Pero nung magkita kami, nagpaliwanag ako and everything, naayos naman. At saka aminin natin, si Nicole Hayala, Nicole Hayala na yan, wala pa ako sa industriyang ito. Sila nila Papa Jack at Kristsuper! Sila na yung nandoon noonpa. Nag-aaral palang ako, sumasakay akong jeep, sila yung naririnig ko na kaya ang taas ng respeto ko sa kanila. Ngayton, magkakaibigan na kami. Ganoon lang naman. " aniyang pahayag pa sa amin.
Pero nakita niya ba ang sarili niyang mapapanood na rin siya ngayon sa silver screen via " Pansamantagal " movie ni Direk Joven Tan under Horse Shoe Studios kung saan niya nakatrabaho sina Bayani Agbayani at Gelli De Belen?
" Ay naku! Hindi! Actually, sobrang nagpapasalamat ako kay Direk Joven sa pagbibigay niya sa akin ng ganitong opportunity. Sa Horse Shoe Studios, sa lahat na nagtiwala sa aking kakayahan, masaya ako. Gusto ko ang ginagawa ko at ang makatrabaho itong dalawang ito na kilala naman nating parehong magagaling na aktor natin sa showbiz, sobrang happy na ako. Napaka-professional nila at hindi sila yung tipo ng artistang mayayabang, yung feeling, iba pala, kung sino pa yung mga artistang ang tagal na sa industry na ito, sila pa yung mababait. Kasi alam niyo naman ako, sa paghohosting ko sa mga shows and everything, naku, marami napo tayong na-encounter na alam niyo na. Kaya nabigla ako sa pagiging mabuti nila. Ibang klase. " aniyang pagkukuwento pa sa amin.
Ipapalabas napo ngayong March 20 in cinemas nationwide ang pelikulang Pansamantagal na idi-distribute naman ng Reality Entertainment. Isang mahaderang waitress sa isang resort naman ang role ni Cha Cha sa pelikula.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Nag-umpisa ang lahat o naging ugat ng lahat ng samut-saring panghuhusga ang hiwalayang KathNiel last year. Kung anu-ano na ang sinasabi ng m...
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
No comments:
Post a Comment