Sa kauna-unahang pagkakataon ay sasabak sa isang paligsahan o piyesta ng Pelikulang Pilipino ang mahal naming movie Director na si Joven Tan. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay sasabak ang kanyang pelikulang OTLUM na pinagbibidahan ng sikat na basketball player na si Ricci Rivero ngayong taon para sa Metro Manila Film Festival. Napili ang pelikula ni Direk Joven na ayon sa kanya ay tapos na ang pelikula at alam niyang ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang mai-presentang maganda ang pelikula ng sikat na basketbolista!
" Tapos napo ang pelikula. Tinutukan naming mabuti and we did our best. Sana suportahan nating lahat ng pelikulang kalahok this year sa MMFF. Yun lang naman ang request ko! " paglalahad pa sa akin ni Direk Joven Tan via text message.
Mukhang maganda nga ang isasalang niyang pelikula. Ang OTLUM na kapag binaliktad mo ng basa ay MULTO! Meaning, it's a horror movie na ayon na rin sa naging kuwento ni Direk at ng ilang nasa production ay nakakatakot ang movie. Basta. Happy kami para kay Direk Joven Tan at sa buong production staff, cast and crew ng movie dahil nagbunga ang kanilang paghihirap sa pelikulang ito! Goodluck Direk Joven!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Nag-umpisa ang lahat o naging ugat ng lahat ng samut-saring panghuhusga ang hiwalayang KathNiel last year. Kung anu-ano na ang sinasabi ng m...
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
No comments:
Post a Comment