SINO KENA JODI AT JOLO ANG NAGSABING...GOODBYE? HIWALAY NA NGA BA?

Five days ago when actor/politician Jolo Revilla posted a pic of actress Jodi Sta. Maria on his instagram account saying " i wish you all the happiness in this world that you deserve. Thank you for bringing out the best in me. Thanks for the wonderful 8 years! Happy birthday Jods! God bless always! ". Ikinagulantang ito ng fans and followers nina Jolo at Jodi at umani ng samut-saring reaksiyon sa social media. May nagsabing that post of Jolo Revilla was discreetly done and no more words of endearement! Umabot ng halos 180 comments ang naging post ni Jolo na mostly ang mababasa mo ay panghihinayang sa kanilang relasyon. Ako mismo ay naging saksi kahit papano sa naging sitwasyon ng dalawa, kung paano nila minahal ang bawat isa sa mga pagsubok na dumaan sa kanila kung saan pareho nila itong hinarap na dalawa. Nung una kong narinig ang usapang ito, honestly, nanghinayang ako dahil naging hopia ako. Na mapupunta lang pala sa wala ang lahat at maaring hindi nila naalagaang pareho. Hindi biro ang 8 years of relationship but who are we to put a period into it! Huwag nga nating husagahan ang dalawa! Huwag natin pangunahan dahil baka naman maaayos pa ang gusot nila! Pero sa showbusiness, nasabay na rin tayong kapag parehong artista ang mag-jowa, mostly, napupunta talaga sa wala ang lahat dahil hindi lahat nakaka-sustain! I love them both. Pero ang tanong ko, sino ang nagsabing goodbye? Is it Jodi or Jolo?
Just last night, sa photoshoot nina Jolo Revilla, Brian Revilla, Luigi Revilla at Rhian Ramos para sa nalalapit nilang trilogy movie na TRES under IMUS PRODUCTIONS ay na-corner namin si Jolo Revilla. Here's the conversation!
EM: Joloooo! Kamusta?
Jolo: Okey naman. Heto may photoshoot po kami for our movie.
EM: Uy! Kamusta na kayo?
Jolo: Ni? Ah! Hahahaha! Okey lang!
EM: As in okey ka lang?
Jolo: Yes! Inspired magtrabaho!
EM: Ow! Nakapag-usap na ba kayo?
Jolo: Okey kami. Basta. Yun. Okey lang!
EM: Okey! Mabuti naman!
Jolo: Yes. Pasok na po muna ako. Ako na yata kukunan! 
Tumalikod na si Jolo Revilla at in-fairness kay Jolo, guwapo naman talaga at napaka-accomodating as always! Very Revilla ang datingan na magalang at walang kiyeme kanino man! 
Sa mga katagang iyon ni Jolo, puwede nating sabihing hiwalay na nga sila ni Jodi Sta. Maria. Puwedeng sabihing baka naman may usapan sila na cool-off lang muna at hindi hiwalayan ang isyu! Hindi kasi natin masabi ang dahilan. Maybe, there's something wrong going on sa kanilang dalawa ngayon ni Jodi! Ganoon nalang! Lalabas at lalabas din naman ang totoong kuwento diyan. Sa showbiz pa! Basta ang alam ko, maganda ang pelikulang TRES na may tatlong istorya sa direksiyon nina Dondon Santos at Richard Somes!

No comments:

Post a Comment