LUIGI REVILLA...BIBIDA SA AMATS NG TRES!

Magsasama-sama sa iisang pelikula sa magkakaibang episode ang Revilla Brothers na sina Jolo Revilla, Brian Revilla at Luigi Revilla. Ito ay ang pelikulang TRES ng Iconic  Imus Productions. Ang TRES ay may tatlong episode na 72 HOURS ni Jolo Revilla, VIRGO ni Brian Revilla at AMATS ni Luigi Revilla mula sa direksiyon nina Dondon Santos at Richard Somes. 
" Sobrang galing ng aming mga direktor sa movie. Magaling sina Direk Richard Somes at Dondon Santos. " aniyang bungad pa sa aming panayam.
Kaninong direktor siya at anong istorya nitong AMATS episode niya?
" Si Direk Dondon po sa akin. Istorya po ng isang taong nalulong sa droga ang role ko. Yung lumaking mayaman tapos nag-drugs, the whole episode po, it's all about drugs. May scene pa po doon na nagpa-gas ako, tapos nung i-swipe na ang credit card ko, declined na siya, mga ganoong scenes na mellinial action siya. The movie is trilogy, abangan din nila ang 72 hours ni Kuya Jolo at Kuya Brian sa Virgo, the whole film po, maganda and proud of myself this time because i love the role. " aniya.
Among Jolo and Brian, who motivated him?
" Si Kuya Jolo po. Siya talaga yung naging motivation ko. Before we started shooting the movie, siya talaga yung nagsabi sa akin na hoy, mag-workshop ako, naisip ko, oo nga kasi hindi po biro ang gumawa ng movie. Ayoko rin po mapahiya that's why ginalingan ko rin! Ha Ha Ha! " aniyang maayang sagot sa aming panayam.
Si Luigi Revilla ay anak ni Senator Bong Revilla kay Lovely Santos. Nakita namin ang pic ng Mommy ni Luigi and we all said na napakagandang babae rin!
" Yes. Maganda rin Mom ko! Hahahaha! Ang maganda po sa amin, kahit ganoon po yung naging set-up, open kaming lahat. Like sa akin, lumaki akong kilala namin nina Kuya Jolo ang isa't isa. Hindi kami pinalaking hindi magkakakilala kundi bonded kaming lahat! " aniyang kuwento pa sa amin.
Inamin nitong may sariling pamilya na rin ang kanyang Mommy. At sa ipinakita nitong larawan ng kanyang step-daddy, guwapo rin at parang si Senator Bong rin!
" Yeah! Hahahaha! Happy life lang and wala kaming wall sa isa't isa! " aniya.
Ano naman ang kanyang pakiramdam kapag sinasabi nilang playboy daw ang mga Revilla at habulin talaga ng babae?
" Hahahaha! Okey lang! Wala naman akong problema po sa ganoon. Kasal naman na ako and may asawa't anak na ako. Maganda rin Misis ko, happy life lang and blessed family. Naging image lang yun pero hindi naman kami ganoon. Sabi lang! " bungisngis nitong tugon sa amin sabay sa pag-amin nitong may asawa at anak na siya!
" Yes. Iam 26 years old na and may pretty wife na ako and may anak na rin ako na this coming July ay magwa-one year old na siya! " pag-amin pa ni Luigi.
Sa kanyang tuluyang pagpasok sa showbusiness, anu-ano naman ang kanyang magiging limitasyon? Meron ba?
" I have no limitations. Iam an actor and dapat open ka. " aniyang pagtatapos pa sa aming panayam. Abangan rin po ninyo ang ibang write-ups ko sa kanya sa aking tabloid columns! Goodluck Luigi and stay smart and simple! I love the Revillas talaga!

No comments:

Post a Comment