ASINTADO...SIMULA NA NGAYONG ARAW AFTER SHOWTIME SA KAPAMILYA GOLD!
Today after Showtime ay simula ng mapapanood sa Kapamilya Gold ang teleseryeng Asintado na pinagbibidahan nina Julia Montes, Paulo Avelino, Shaina Magdayao at Aljur Abrenica kasama ang naglalakihang beteranong aktor tulad nina Cherry Pie Picache, Agot Isidro at Nonie Buencamino. Nung unang araw na malaman kong ipapalabas na ang serye, sabi ko, i posted it sa aking facebook wall na magpa-flop ang ratings nito. Sad because napakaganda ng istorya ng serye. Sabihin na nating saklaw ni Julia Montes ang naturang afternoon slot na kanya naman talagang pinatunayan sa kanyang nakaraang seryeng Doble Kara pero sana man lang nailagay sa magandang slot ang teleserye knowing that the story itself, wow, ibang klase at yung mga artistang bida, magagaling naman talaga! Tulog po at super busy ang mga tao sa mga oras na yan, sigurado po ako diyan. I have nothing against anybody when i posted it. Nanghihinayang lang ako sa istorya nito at pang-primetime talaga ito! Sayang ang 90% na komentong nakuha ko sa mga nakausap ko. Sana, mali ako sa hula ko at sa sinabi ko dahil mahal ko naman ang mga bidang aktor sa seryeng ito. May mga pagkakataong nalalagay talaga sa alanganing sitwasyon ang isang serye that causes flag down sa mga artistang umaasang babango ulit ang kanilang pangalan sa pamamagitan ng isang seryeng kinabibilangan. Okey lang sa mga artistang may napatunayan na. What about the feelings nung ibang magsasabing " wow, akala ko makakabawi na ako sa seryeng ito " na magaling din namang artista? Yung iba naman, as long as hindi sila ang apektado ng flop title ay wala naman silang pakialam! Well, hoping that this serye will make it to the top 5! Maganda talaga ang story nito. Kaya since nandiyan na, sige, support it nalang para sa mga iniidolo nating mga celebrities! Goodluck Asintado. Sana ma-asinta ninyo ang magandang ratings! Mwuah!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
-
THANKFUL si Yuki Sonoda sa oportunidad na binigay sa kanya ng 316 Media Network ni Len Carrillo sa pagkakabilang niya bilang isa sa tatlon...
No comments:
Post a Comment