HINDI MATATAWARAN ANG HUSAY NINA RICKY DAVAO AT GINA ALAJAR SA FIRST FILM PRODUCED NG NET25 NA ' MONDAY FIRST SCREENING ' NGAYONG AUGUST 30 NA IN CINEMAS NATIONWIDE

Dinumog ng mga nagmamahal sa NET25 Films ganoon din ng mga tagahanga, tagasuporta at nagmamahal kena Gina Alajar at Ricky Davao bilang mga pangunahin bida ng romantic-comedy film na ' Monday First Screening ' ang katatapos lang nitong Celebrity Premiere Night na ginanap mismo sa isang Theatre ng NET25 last Monday.

Maaga akong dumating for the said Celebrity Red Carpet Premiere dahil ako mismo ay excited itong mapanood. Unang-una dahil alam kong maganda ang storyline ng film lalo na't simulang bata palang ako ay iniidolo ko narin ang dalawang batikang aktor natin ngayon sa showbizlandia.

Kuwentuhan muna sa aming table with other some friends from the media na habang kumakain kami ng burger at cold coffee tea for meryenda ay nasilayan namin ang ilang batikang celebrities like Boots Anson Roa, Isabel Rivas, Amy Austria, Gladys Reyes , Patricia Javier at Nova Villa. 

Hanggang sa eksaktong 4pm ay nagtawag na on-mic ang production na kailangan na naming pumasok sa sinehan dahil puntong alas-kuwatro ay kailangang umpisahan na ang screening.

Agad naman akong tunayo sa aking upuan at excited pumasok sa sinehan at naupo sa pinakaunang seat near the entrance. Unti-unti naring nagpasukan ang ilang bisita at celebrities. Hanggang sa tinawag na nga ang mahal naming NET25 President Sir Caesar Vallejos upang magbigay ng kanyang maikling message at mainit niya kaming tinanggap nung hapong iyon.

Ewan ko ba, kapag si CRV na ang nagsasalita on-mic, ang sarap niya lang talagang pqkinggan because alam kong bawat salitang binibigkas nito ay alam mong galing sa kanyang puso. Gusto ko yung sinabi niyang sana ay suportahan natin ang pelikulang ito na kauna-unahang film produced ng NET25 Films kasabay ng kanilang pakikipag-ugnayan sa Regal Films para sa theatrical release nito at sa mga bubuuin pa nilang films in the future.

Entrada palang ng movie ni Direk Benedict Mique ay alam mong tututukan mo na ito. And exactly, tinutukan ko nga ang beautiful film na ito ninq Gina Alajar at Ricky Davao. Sabi nga nila at sabi ko rin, Gina Alajar is Gina Alajar and Ricky Davao is Ricky Davao! 

Like what i said, napakaganda ng istorya ng pelikula. Hakayatin mo na ang buong pamilya. Pakahusay lahat ng mga nagsipagganap sa kabuuan nito. Gusto ko ang pagkakalatag ng kuwento. The production design na nag-swak sa saktong buhay na meron ang isang pamilya sa kuwento, the editing, the cinematogrphy, the musical scoring, actually, lahat mamahalin mo at hahangaan mo sa film na ito.

Very touching ang bawat eksena, pamilya at pagmamahal ang mararamdaman mo kasama na ang puso dahil napaka-totoo ng pelikula about two senior citizens na parehong walang sabit na nagkakilala lang sa sinehan. Sobrang mamahalin mo rin ang mga lines, natural at naibato ng mga supporting actors to it's highest taste na sasabihin mong pakahusay naman nila!

I recommend this film! Pakahusay! Na ako personally ay super proud ako sa proyektong ito ng NET25 Films. It's a rom-com movie pero tagos sa puso ang ilang eksenang conflicts nina Ricky at Gina na ramdam na ramdam mo talaga ang husay nilang hindi mababayaran sa pelikulang ito.

Showing napo ngayong August 30 in cinemas NATIONWIDE!