LEN CARILLO....." NATUTO NA AKO. "

" Iniyakan ko rin! Pero natuto na rin ako. Ganoon talaga. " isang madamdaming litanya ni Ma'am Len Carillo nang kamustahin namin ang naging pakiramdam niya pagkatapos maisampa ang kaso laban sa magkapatid na dating miyembro ng all-male sing and dance group na Clique 5. On-going pa rin diumano ang kaso laban sa dalawang bagets na dati niyang inalagaan at ibinigay ang kanilang pangangailangan. Bilang isa sa mga publicist ng 316 Events & Talent Management ay nasasaktan ako kapag may mga ganitong sitwasyon. Lalo na't napakabuting manager ang nabiktima ng ilang talents. But Len exclaimed " Hindi naging madali yun. But we have to do something. " ayon pa kay Maam Len. Ayon naman sa mga anak-anakan naming Clique 5, hindi kabawasan o kawalan sa kanilang siyam na miyembro ang pagkawala ng dalawa. Hindi diumano ito magiging hadlang upang lalo pa nilang pagbutihan ang kanilang karera bilang fast-rising All Male Sing & Dance Group! Katunayan niyan, ngayong February 23, 2019 ay magaganap na ang kanilang pangalawang concert na gaganapin sa SM Skydome kung saan nila makaka-back to back ang Belladonnas! Nakalatag na rin ang script ng isang pelikulang gagawin nila early next year. Nitong nakaraang December 11 lang ay isang bonggang Christmas Party naman ang naganap sa Plaza Ibarra kung saan namigay ng bonggang regalo si Maam Len sa lahat ng inimbitahang bisita that night. Pero ang naging highlight ng gabi ay ang Miss Bekla 2018 kung saan napagkkatuwaang ang siyam na miyembro naman ng Clique 5 ang nagdamit babae at naglaban-laban sa rampahan! Sa pagiging focus ni Maam Len at 316 Events & Talent Management ay makikita mo kung paano talaga sila mag-alaga ng kanilang contract stars! Ganoon sila! Ituturing ka talaga nilang pamilya kapag nasa 316 ka na!