JED MADELA...6 BESES PINALAKPAKAN SA SEATTLE CONCERT!

ANIM na beses tumayo at pinalakpakan ng concert goers si Jed Madela sa katatapos lang nitong one night Jed Madela Live Concert In Seattle last September 28, 2018! Ginanap sa Highline Performing Arts Center ang full-packed concert ni Jed kung saan nagmula pa sa iba't ibang estado ng Amerika ang kanyang manonood. Proven na yan na everytime nagkakaroon ng solo concert si Jed abroad ay dinudumog ito at walang palyang sold-out at jampacked ito! Sa social media, nakita ko ang suporta ng fans and followers ni Jed na nakapanood sa kanya that night. Most of Jed's fans abroad ay panay ang pasalamat at nakapagpa-picture-taking sila sa kanilang iniidolong world-class performer at artist. 
" taffy_kaxel where do i start? Thank you VXVII events for bringing Jed Madela in Seattle. It was indeed an awesome concert. All my friends and clients had a blast. Until now they still have a hangover from the concert. They call me today and they said the best daw talaga. Salamat gid! They request for a repeat pleaseeee! " bulalas pa ng isang avid fan ni Jed. 
Sa facebook post naman ni Jed Madela ay walang humpay naman ang pasasalamat nito sa mga taong patuloy na naniniwala at sumusuporta sa kanyang kakayahan bilang isang sikat at world-class performer.
" Thank you very much Seattle!!! You made my first time here very memorable! And Thank you for the 6 standing ovations!!! I'am difinitely coming back soon!! " Jed's post.
Sa anim na standing ovations ay isa sa pinalakpakan ay ang kanyang latest single under Star Music titled " Di Matitinag " na currently making waves sa local music chart! Ngayong October 2 naman ang balik ng Pilipinas ni Jed. Sa kanyang pagbabalik ay deretso naman si Jed sa kanyang local commitments kasama na ang kanyang puspusang paghahanda para sa kanyang nalalapit na Jed Madela XV Concert ngayong November 16 na gaganapin naman sa Smart Aranera Coliseum with guests Darren Espanto, Boy Band PH and TNT Boys! 

JED MADELA...WALANG TIME SA BASHERS!

Walang oras sa kanyang bashers si Jed Madela. May mga bashers na parang kabute kamakailan lang ang nagsulputan sa socmed partikular sa twitter. Binashed ang World-Class performer. Ayun pa sa isang kabute, ayaw niya raw sa mga kanta ni Jed. Yung isang kabute naman ay magaling naman daw na singer si Jed pero bakit hindi naman daw umaariba sa sales ang album nito. Dalawa lamang yan sa mga kabuteng nagsulputan na walang ginawa kundi laitin at chararatin si Jed Madela. Mga kabuteng walang magawa sa buhay nila na pakiramdam ko ay nagpapapansin lang kaya minabuti kong huwag ilagay ang post nila sa blog ko. Bakit may mga taong hindi talaga masaya sa achievements ng kanilang kapwa. Why not admire Jed nalang at maging happy sa kanyang karera. Kung ayaw niyo naman sa kanya, puwede namang manahimik at maging masaya sa paraang gusto ninyong maging masaya kayo. But sad to say. Wala pong panahon si Jed Madela para patulan pa ang mga ganitong eksena sa kanyang buhay. Just wanna let you know na mas mahalaga sa sikat na singer ang tutukan ngayon ang kanyang nalalapit na Jed Madela XV Concert na gaganapin sa Araneta Coliseum ngayong November 16! Ayon kay Jed, salamat pa rin sa kanyang mga kritiko! O! Ayan ha! Pinasalamatan pa rin kayo! Manood nalang kayo ng concert niya kasi bago kayo nagtatalak diyan. Wala kayong magawa! 

JOSHUA GARCIA...MAHALAGA ANG FANS!

Mahalaga para sa Ngayon At Kailanman actor Joshua Garcia ang kanilang fans ng ka-true to life loveteam nitong si Julia Baretto. Sa HongKong trip nito para sa isang commitment ay halos hindi na makalabas ng arrival area si Joshua sa dami ng fans nitong nag-abang sa kanya para makapagpa-picture. Walang pinalampas na pagkakataon mismo si Joshua Garcia upang mapagbigyan lahat ng naghintay sa kanya. Ayon pa sa isang post ay very accomodating si Joshua at walang arte. Big boy na nga si Joshua at kitang-kita at ramdam na ramdam naman namin ang kanyang pagmamahal sa mga nagmamahal sa kanyang fans nito hindi lang dito sa Pinas kundi sa buong mundo! Samantala, sa Ngayon At Kailanman ay obvious na ang selosan sa pagitan nina Oliver (Jamesone Blake) at Ino (Joshua) over Eva (Julia Barretto). Ipinagtanggol ni Ino si Eva sa pambabastos sa kanya ng barkada ni Oliver, bagay na hindi nagustuhan ng huli. Mas malalaking eksena ng agawan pa ang mapapanood sa serye at mas maraming kilig pa ang nakaabang! 

CINCO BOYS....SOARING HIGH!

Saludo ako sa sipag at tiyaga nina Adel, Basty, Carl, Dex at Emman na miyembro ng nakikilalang boy group ngayon na Cinco Boys under the management of Kristian Kabigting. Sa kabila kasi ng kabi-kabilang commitments nila sa showbiz ay nakatutok pa rin ang Cinco Boys sa kanilang pag-aaral. Ayon sa manager nilang si Kristian Kabigting, malaking bagay ang pagiging mabubuting artist at anak ng limang bagets dahil marunong silang sumunod sa anumang patakaran ng Asterisk Digital Media Production kaya naman maayos ang schedules ng mga ito. Kahit mga magulang ng Cinco Boys ay proud na proud sa kanilang mga anakshies dahil kahit pagod na ang mga ito from school ay wala diumano silang naririnig na reklamo mula sa kanilang mga anak. Well-mannered ang mga bagets kaya naman ang sarap nilang mahalin at tulungan dahil ito ang una naming nakita sa kanila bukod pa sa mga guwapo sila at maipagmamalaki mo! Wala diumanong imposible ayon pa sa mga bagets lalo na't hinding-hindi sila susuko sa kanilang pangarap na makilala sa showbusiness! Produkto ang lahat ng Cinco Boys ng Star Magic Workshop ng Kapamilya Network kaya naman alam mong alam nila kung ano naman ngayon ang kanilang gustong patunayan sa industriya ng musika! Sa kasalukuyan ay puspusan ang ginagawang rehearsals ng Cinco Boys para sa kanilang upcoming shows. Ngayong October 2 ay mapapanood sila sa birthday concert show ni Joshua Tuzon sa Music Box, Timog. October 6 sa SM North Skydome para sa Electro Groovers Next In Line--A Fundraising Concert hatid ng Asterisk Digital Media Productions at One Light Events Management, On October 12 sa Eastwood Expo and Imus Day. Sa October 15 naman ay nasa Batangas City ang Cinco Boys para sa Silka Coronation Night at sa October 18 hanggang 29 ay nasa Japan naman sila para sa Music Fest Japan! Abangan niyo na rin ang kanya-kanyang pagganap ng Cinco Boys sa anim na episode ng CINCO Series na isang Online Series produced by Asterisk Digital Media Production kung saan gaganap ang bawat isa sa kani-kanilang istorya at drama! Well, making waves na rin kahit papano ang Cinco Boys. Naging posible ang lahat ng ito dahil sa puspusang pagtutok ni Kristian Kabigting sa aming mga alaga kasama na ang buopng Asterisk Digital Media Production family namin! Wishing all the success para sa lahat! More power Cinco Boys!

KATHNIEL...TINALO NA SI VICE GANDA!

SIMULA magbukas sa mga sinehan dito sa Pilipinas ang pelikulang The Hows Of Us ng KathNiel ay hindi sumuko ang fans and followers ng pinakasikat na loveteam on and off screen sa pagsuporta nito! Ngayong araw ng lunes, sa nakalap naming milyones, ayon na rin sa social media post ng Star Cinema, kahapon, araw ng linggo ay tumabo na sa 505 Million pesos ang kinikita ng pelikula at inaasahang aakyat pa ito dahil nagbukas na rin sa iba't ibang sinehan sa buong mundo ang pinag-usapang pelikula ni Cathy Garcia-Molina. Sa totoo lang, hindi naman talaga lahat ng nanood ng movie ay fans and followers ng dalawa kundi mga indibidwal na na-curious sa pelikulang pinag-uusapan at nang lumabas sa sinehan ay ang salitang " beautiful kathniel and beautiful movie ' pa rin ang kanilang naging bukambibig! Well, that's life. Kaya naman ang totoong unkaboggable ngayon ay ang KathNiel na at hindi na si Vice Ganda! Just imagine the earnings of this film since day one dahil unang-una ay hindi naman ito Metro Manila Film Festival film kundi ipinalabas ng regular sa mga sinehan! Bongga! So, goodbye na sa title Vice Ganda ha! Sa KathNiel na muna ito! Kapag nalampasan mo Vice Ganda sa December ang almost 505 Million, ibabalik namin ang korona mo! Magkano kaya ang bonus ng KathNiel? Kasi huhulaan kong aabot pa sa 700 Million ang magiging total earnings ng pelikula noh! Hula lang! Malay mo magka-totoo! Basta! Mabuhay ang KathNiel! Mabuhay ang Star Cinema!